ROBIN, WALANG GINAWA PARA IPAGTANGGOL SI KYLIE KAY ALJUR
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 23, 2021

Hindi diretsahang sinasagot ni Kylie Padilla ang matinding pasabog ni Aljur Abrenica laban sa kanya sa Facebook post nito last Tuesday na diumano, siya ang unang nangaliwa kaya nasira ang kanilang pamilya.
Sa kanyang latest Instagram post, naglabas lang si Kylie ng picture niya kasama ang dalawang anak na ang caption ay "I have all I could ever want already. Para sa lahat ng nag-aalala sa 'kin, I’m really ok. Masaya ako and I will protect my happiness. No matter what."
May mga nakaunawa kay Kylie na tama lang daw na hindi na ito bumaba sa ka-cheap-an ni Aljur at hindi na pinatulan ang pambabastos sa kanya ng mister. Baka nga naman mas lumaki pa ang issue kung reresbak pa siya kay Aljur.
Pero may ilan naman ang humahamon kay Kylie na sana ay nagsalita siya at idinenay ang 'cheating issue' kung hindi ito totoo.
May kasabihan nga raw kasi na "Silence means yes," so, maaaring dahil sa pananahimik niya, isipin ng ilan na guilty siya kaya hindi masopla si Aljur.
Mukha namang natauhan si Aljur matapos ulanin ng sobrang pambabatikos ng mga netizens dahil sa kanyang FB post laban sa misis kaya binura na niya ito.
Ang akala siguro ni Aljur, maidedepensa niya ang sarili at ang bagong dyowang si AJ Raval kapag ibinulgar niyang si Kylie ang unang nangaliwa. Pero ang siste nga, lalo pa siyang nabaon sa kumunoy at halos isumpa ngayon ng mga netizens dahil siya na nga raw ang nagdispley na may ka-holding hands na sa mall, siya pa ang may lakas ng loob na sabihing si Kylie ang unang nangaliwa.
Marami naman ang naghihintay sa pagtatanggol ni Robin Padilla sa kanyang anak lalo't babae ito. Nagtataka ang mga netizens kung bakit ilang araw na, patuloy pa rin ang pananahimik ni Robin at walang sinabi o ginawa kay Aljur sa kabila ng pamamahiya nito sa kanyang anak.
Well, ano kaya rito ang reason ni Robin?
A. No comment siya dahil sa katwirang away-mag-asawa 'yan?
B. No comment siya para 'di na lumaki ang iskandalo?
C. No comment siya dahil tama ang sinasabi ni Aljur laban kay Kylie?
Bagama't nasa tamang edad na ngayon si Kylie, bilang magulang, inaasahan ng mga netizens na ipagtatanggol ni Robin ang kanyang anak lalo nga't babae ito… unless siguro si Kylie ang talagang may mali.
But still, sana ay marinig ang boses ngayon ni Robin, tutal, sa kanya naman nagsimula 'yan, 'di ba?





Comments