Robbery with intimidation, pananagutan ng mga nananakot gamit ang pribadong larawan

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 25, 2026

Dear Chief Acosta,
May isang lalaki po na nagbanta sa akin na ipapakalat niya sa social media ang aking mga pribado at maseselang larawan kung hindi ko siya bibigyan ng P50,000.00. Dahil sa takot na makita ng ibang tao ang mga nasabing larawan, ibinigay ko po sa kanya ang hinihingi niyang pera. Maaari po ba siyang managot sa kasong robbery kahit ako mismo ang nag-abot ng pera at wala siyang ginamit na pisikal na dahas?
— Saratchu
Dear Saratchu,
Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Artikulo 293 ng Act No. 3815, o mas kilala bilang Revised Penal Code (RPC) of the Philippines, ang sumusunod:
“Art. 293. Who are guilty of robbery. — Any person who, with intent to gain, shall take any personal property belonging to another, by means of violence against or intimidation of any person, or using force upon anything, shall be guilty of robbery.”
Kaugnay nito, sa kasong Journey Kenneth Asa Y Ambulo vs. People of the Philippines (G.R. No. 236290, ika-20 ng Enero 2021, isinulat ni Kgg. na Kasamang Mahistrado Edgardo L. Delos Santos), tinalakay ng Korte Suprema ang pananagutan ng isang taong nagbantang ipakalat sa social media ang mga pribadong larawan ng isang babae kapalit ng kanyang hinihingi. Ipinaliwanag ng Korte Suprema na:
“Contrary to the argument of petitioner, the CA did not commit grave abuse of discretion in the appreciation of facts when it found that petitioner demanded money from private complainant in exchange for the memory card containing the latter's private photos, which made him liable for Robbery with Intimidation of Persons. xxx
It must be stressed, however, that private complainant's counter-offer does not make it "with her consent," as the same was made as a result of petitioner's existing and continuing threat of posting the private photos on Facebook. xxx
So is the fourth element of the crime charged anent the presence of intimidation of persons, as petitioner's threat to post the subject private photos on Facebook if his demand is not met produced fear in the mind of his victim, private complainant, so that the latter was forced to give to petitioner the amount of P5,000.00, against or without her consent.”
Samakatuwid, batay sa iyong salaysay at sa nabanggit na desisyon ng Korte Suprema, maaaring managot sa kasong robbery with intimidation ang taong nagbanta na ipakalat ang iyong mga pribadong larawan kapalit ng pera. Hindi nangangahulugang kusang-loob ang iyong pagbibigay ng pera kung ito ay bunga ng pananakot. Gayunman, kinakailangan pa ring mapatunayan ang mga elemento ng nasabing krimen batay sa mga ebidensiya.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Comments