Ex at mister ni Sharon, bati na… SEN. ROBIN, NAKIPAGKAMAY NA KAY SEN. KIKO

ni Julie Bonifacio @Winner | November 25, 2026

Photo: Senate / FB Circulated
Viral ang pakikipagkamay ni Sen. Robin Padilla sa kapwa niya senador at mister ni Megastar Sharon Cuneta na si Francis ‘Kiko’ Pangilinan.
Natuwa ang marami sa pag-abot ni Sen. Robin ng kamay niya kay Sen. Kiko.
Well, hindi naman siya inisnab ng mister ni Mega.
Nangyari ang shake hands ng dalawang senador nang batiin ng mga kasamahan nila sa Senado si Padilla sa kanyang kaarawan sa plenary session nitong Lunes, Nobyembre 23.
Hindi naman lingid sa publiko ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa sa Senado noong Mayo kaugnay ng paghawak sa mga international issues. Tumaas diumano ang boses ni Sen. Kiko at na-offend si Sen. Robin.
Sey ng mga netizens:
“Kay Kiko, no problem ‘yan dahil talagang very professional.”
“Kahit may pagkakaiba sa mga paniniwala, nararapat na ipagpatuloy ang maayos na relasyon at respeto sa isa’t isa. ‘Yan ang tunay na macho. Tunay na Pinoy.”
“‘Yan ang totoong gentleman. Magkaiba ang paniniwala, puwedeng maging civil.”
“Tama po ‘yan, trabaho lang para sa bayan ang paglilingkod (heart emoji).”
Pilit na idinadawit si Megastar sa isyu ng dalawang senador. Eh, kasi nga, naging leading man at boyfriend noon ni Sharon si Sen. Robin na naging very vocal din sa kanyang damdamin.
Sey pa ng mga netizens:
“Dahil kay ‘S’ ‘yan (kilig emoji).”
“Robin to Kiko: Ako nga pala nakauna kay Shawie kaysa sa ‘yo. Hahaha!”
‘Kaloka!
Never daw naisama sa shooting…
ANDREA, BITBIT ANG NON-SHOWBIZ BF SA PREMIERE NG MOVIE
TINUPAD na ng aktres na si Andrea Brillantes ang sinabi niya sa mediacon ng Laya na isasama niya ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Pankie Capistrano sa premiere night nito.
Panay daw kasi ang kuwento ng aktres sa kanyang dyowa tungkol sa mga ginawa niyang eksena sa naturang pelikula na ipapalabas sa November 25.
Hindi niya kasi naisama si Pankie kahit isang beses habang isinu-shoot niya ang Laya.
Kuwento ni Andrea, “Mas excited ako sa magiging reaksiyon ng boyfriend ko sa film, actually. Eto kasi, wala s’yang alam. ‘Di n’ya talaga alam about it. And when I made this film, ‘di ko pa s’ya boyfriend. So, I’m really excited sa magiging reaction n’ya. First time n’ya mapapanood sa big screen.”
Pansin na pansin sa premiere night ang boyfriend ng aktres. Nasa tabi siya ni Andrea at laging nakaalalay. Lantad na lantad na nga ang relasyon niya sa non-showbiz boyfriend.
Sey ng mga fans:
“Yes, nakita ko rin. He really loves his GF and is very supportive to Blythe.”
“Kasama lagi si Papi Pankie. Alagang-alaga n’ya si Blythe.”
“Ang cutie ni Pankie. Parang ang bait-bait n’ya.”
Samantala, sunud-sunod ang karangalang natatanggap ni Andrea. Kabilang ito sa bagong batch ng celebrities na magkakaroon ng star sa Walk of Fame sa Eastwood City.
Well, walang duda na si Andrea na talaga ang reyna ng Gen Zs.





Comments