P241B ayuda, mas ok nang ibigay sa purdoy kesa mapunta sa bulsa ng mga kurakot!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 25, 2026

HUWAG TANGGALIN ANG P241B PANG-AYUDA KASI SA HALIP, MGA MARALITA ANG MAKINABANG DIYAN, BAKA KASI SA BULSA NG MGA KURAKOT PA MAPUNTA ANG HALAGANG 'YAN — Nais ni Sen. Ping Lacson na ipatanggal ang P241 billion pang-ayuda na nakapaloob sa 2027 national budget.
Naku, eh huwag sanang pumayag ang mga kapwa senador ni Lacson sa mungkahi na 'yan na tanggalin ang P241B pang-ayuda kasi sa halip na sa mga maralitang Pinoy mapunta ang halagang 'yan, ay baka sa bulsa pa ng mga buwaya, period!
XXX
MASAKIT KAY SEN. MARCOLETA ANG GINAWANG PAGPAPATUPAD NG SENADO SA KANYANG 90-DAY SUSPENSION ORDER — Ipinatupad na ng Senado ang 90-day preventive suspension order ng Sandiganbayan laban kay Sen, Rodante Marcoleta.
Masakit kay Sen. Marcoleta ang ginawang aksyon na iyan ng mga kasamahan niyang senador, kasi sa halip na umapela ang mga ito sa Sandiganbayan na huwag siyang suspendihin, eh ang ginawa ng Senado ay agad-agad ipinatupad ang suspension order laban sa kanya, tsk!
XXX
AFTER NG IMPEACHMENT KAY VP SARA, HIRIT NI EX-SEN. COSETENG DAPAT DIN DAW I-IMPEACH SI PBBM — Nais ni former Sen. Nikki Coseteng na after ng impeachment kay Vice President Sara Duterte, ay dapat daw makatikim din ng impeachment si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM).
Aba'y dapat lang talagang ma-impeach din si PBBM kasi kung may isyu ng corruption laban kay VP Sara, ay may isyu rin ng corruption sa mga departamento ng pamahalaan na nasa ilalim ng pamamahala ng Marcos administration, period!
XXX
KUNG NASA IBANG BANSA NA AT DAHIL SA DAMI NG WARRANT OF ARREST, MALAMANG HINDI NA BABALIK SA ‘PINAS SI ATONG ANG — Nagpalabas ng panibagong warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) laban kay gambling tycoon Charlie "Atong" Ang at sa isa pang pulis kaugnay sa kinasasangkutan umano nilang kasong kidnapping at illegal detention sa mga missing sabungero
Sa dami ng warrant of arrest ni Atong Ang, kung nasa labas na siya ng bansa, ay tiyak na hindi na ito babalik pa sa Pilipinas, boom!




Comments