Reunion nina Sharon at Gabby sa concert, naudlot na naman
- BULGAR
- Oct 1, 2021
- 1 min read
Updated: Feb 25, 2022
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 1, 2021

Tiyak na hahanapin ng mga gurong ShaGab fans kung bakit wala si Gabby Concepcion sa gaganaping annual Gabay Guro Grand Gathering bukas, Sabado, at 2 PM.
Sa taunang Gabay Guro event din kasi nu'ng mga nakaraang taon unang napagsama ang ex-couple na sina Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta. Kaya ngayong join pa rin ang Megastar sa gaganaping virtual concert ng Gabay Guro bilang tribute sa kadakilaan ng ating mga guro sa buong Pilipinas, tiyak na inaasahan din nilang kasama si Gabby.
Pero paliwanag ng Gabay Guro chairperson na si Ms. Chaye Cabal-Revilla, um-agree naman si Gabo kaya lang, may conflict of schedule raw.
Sinegundahan ito ni Ms. Eloisa Matias na in-charge sa production ng virtual concert at ang paliwanag naman niya, dahil nasa Lobo, Batangas nag-i-stay ngayon si Gabby, mahirap daw ang signal doon kaya hindi makapagpadala ng audio-video recording ng dapat ay performance nito.

But still, hindi pa rin naman dapat malungkot ang mga teachers na magdyo-join sa Gabay Guro Grand Gathering virtual concert ngayong Sabado dahil more than 40 stars ang magpe-perform, bukod sa may chance pang manalo sa raffle ang mga magda-download ng Gabay Guro Super App at magre-register para makasali sa event.
Take note, Chery Tiggo car at 2 cash prizes of P500,000 each lang naman ang mapapanalunan ng mga lucky teachers bukod sa exciting prizes na inihanda ng PLDT Smart Foundation.
Kaya ano pang hinihintay ng mga dear teachers natin d'yan, mag-download na ng Gabay Guro Super App, mag-register at tumutok sa Gabay Guro Grand Gathering na mapapanood sa Facebook page at YouTube channel ng Gabay Guro.





Comments