top of page
Search
  • BULGAR

Resibo, inilabas ng fan... ANNE, BUKING NA NAG-UULIT NG DAMIT SA IT'S SHOWTIME

ni Beth Gelena @Bulgary | February 22, 2024



Amazed si Anne Curtis sa kanyang fan dahil ibinahagi nito kamakailan sa It's Showtime ang picture ng suot niya nu'ng 2012 at 2024. Parehas na parehas ang suot niya na ibinida ng faney. Bumilib ang TV host sa husay ng kanyang fan na mahalungkat ang ilan sa kanyang video clip noong 2012.


Parehas ang suot niyang crop top at ayon sa mga fans ay pamilyar daw ang kanyang damit. Sey naman ni Anne, matagal na talaga sa kanya ang t-shirt niyang iyon na may smiley. May collage picture ding kuha noong 2012 at 2024.


Aniya sa IG Stories: "Grabe!!! Insane that you found this!!! Yes! I’ve had this top FOREVER!"


Ang kaibahan lang daw, "Difference is - a baby came out of that tummy na! Awww!"


Ibig lang sabihin nito ay hindi maselang umulit ng isusuot si Anne. 'Yun nga lang, dekada muna ang lilipas bago niya ito muling gamitin. Besides, masinop ang TV host-actress.


Kung hindi pa nahalungkat ng faney ang smiley crop top ng TV host nu'ng 2012, aakalaing bago ang suot ni Anne.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page