Remulla, inaabiso pa ang pagsasampa ng kaso sa halip na kasuhan agad!
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | April 8, 2026

Buong mundo ay natutuliro kaugnay ng krisis sa ekonomiya.
Pero, ereng mga opisyal ng gobyerno, maruming pulitika pa rin ang pinagkakaabalahan.
He-he-he!
-----$$$--
Sa gitna ng sobra-sobrang taas-presyo ng petrolyo, umeeksena si Ombudsman Boying Remulla.
Isipin mong inihayag ni Remulla na inihahanda na nila umano ang kaso laban sa mga sangkot sa annual budget at flood control.
Huh? Inihahanda pa rin, pero inaabiso na kung kaillan magsasampa ng kaso?
Sintido-kumon lang, understood naman na magsasampa sila ng kaso, pero bakit ibinababala pa?
-----$$$--
BAKIT kinakailangan i-propaganda o ipanganlandakan ang pagsasampa ng kaso, gayun sa Mayo pa ito magaganap?
Eh, bakit?
-----$$$--
KUNG may matitibay na ebidensiya, bakit ipino-propaganda pa?
Hindi ba dapat ay kasuhan agad?
Napakatagal nang panay ang press release, pero walang aktuwal na kaso na isinasampa.
-----$$$--
MAY kuntsabahan daw sina dating ex-Senate President Chiz Escudero at ex-Speaker Martin Romualdez.
Bakit nagkaganun? Hindi ba’t lantarang binabatikos at ini-expose si Escudero ang mga diskarte ni Romualdez?
----$$$--
PAANO naging magkakuntsaba ang dalawang mambababatas kung sila mismo ang nagbabatikusan sa isa’t isa?
Nasaan ang sintido-kumon?
-----$$$--
Hindi ba’t si Chiz din ang nagsabi kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa flood control insertions?
Kung babalikan natin ang records, si Chiz din ang paulit-ulit na kumukuwestiyon sa budget, lalo na kung bakit inuuna ang flood control kaysa agrikultura.
-----$$$---
INIULAT na tanging si Romualdez lang ang inirekomenda ng ICI at ni DPWH Secretary Vince Dizon na kasuhan ng plunder.
Sa katunayan, si Escudero pa nga ang isa sa mga unang nagpangalan sa dating Speaker bilang utak sa likod ng flood control anomaly.
-----$$$--
KUNG susuriin ang padron ng diskarte, ang mga tunay na nakinabang ay ang mga kongresista na malapit sa House leadership ni Romualdez.
Doon nagmula ang insertions. Doon umikot ang pondo. Hindi sa Senado.
----$$$--
KUNG tutuusin, walang malinaw at specific na alegasyon na personal na nakinabang si Escudero.
Ika nga, walang paper trail.
-----$$$--
WALANG ulat na biglang yaman si Escudero.
Sa kabilang banda, kitang-kita ang lawak ng ari-arian ni Romualdez.
-----$$$--
SINASABI ring may problema na ang budget simula pa noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero, sino ang lider ng Senado nang mga panahon iyon?
Bakit hindi kasama sa imbestigasyon si Senator Juan Miguel Zubiri?
-----$$$--
SA ilang ulat, ang ghost flood control insertions ay tumindi noong 2023 at 2024, panahon kung kailan si Zubiri ang Senate President.
Bakit kaya si Chiz ang ikinakalantari ng Ombudsman sa mga kasong ito?
-----$$$--
NOONG lang December 2025 ay mismong si DILG Secretary Jonvic Remulla mismo ang nagbanggit ng pangalan ni Escudero sa posibilidad na “one-on-one” sa pagka-Presidente sa 2028.
May kinalaman ba ang lahat ng ito sa lihim na maniobra sa 2028?
Jusmiyo! Lugmok sa krisis ang bansa, pulitika pa rin ang nasa utak ng mga Kolokoy.
Tsk!!!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




Comments