top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Puro babae pa naman daw ang anak... GABBY, PINAGBABAGO NA NG NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 7, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Abril 7, 2024



                                                                   


Ipinost lang ni Gabby Concepcion ang photos na magkakasama sila ng mga anak na sina KC, Garie at Sam Concepcion, ang dami nang unnecessary comments ng mga netizens. Nag-bonding kasi ang mag-aama sa beach house ni Gabby sa Lobo, Batangas at kani-kanyang comment na ang mga netizens.


May nag-congratulate kay Gabby dahil sa magaganda niyang mga anak at sana raw, madalas niyang maka-bonding ang mga ito.


Wish pa ng isang fan, sana sa susunod na magpo-post si Gabby, kumpleto na ang lima niyang anak at makasama na raw sana nila si Cloie.


Kaya lang, may mga nag-lecture rin kay Gabby, dapat daw maging grateful siya sa mga ina ng kanyang mga anak at sa mga asawa ng mga ina ng kanyang mga anak. Respetuhin daw niya ang mga ina ng kanyang mga anak, and their respective spouses dahil pinalaki ang kanyang mga anak na hindi tinuruang magalit sa kanya.


May nag-comment pa na kailangan nang baguhin ni Gabby ang outlook niya sa buhay dahil puro babae ang kanyang mga anak.


“Change for the better for them. Hoping they will find a good husband,” sabi ng fan.


Samantala, birthday ni KC today, April 7, at abangan natin kung paano babatiin ni Gabby ang kanyang panganay.


Of course, inaabangan din ang birthday greetings ni Sharon kay KC na 39 years old na ngayong araw.


And speaking of Gabby, napaka-humble nito sa sinabing project nila ni Marian Rivera

ang My Guardian Alien at nakasuporta lang siya sa aktres. Hindi naman ito totoo dahil silang dalawa ang bida sa series at ang tambalan nila ang ipino-promote.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page