Publiko, mas bilib sa defense team, majority ayaw ma-convict si VP Sara

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 3, 2026

PROSECUTION PANEL INILAMPASO SA RATING NG DEFENSE TEAM IBIG SABIHIN NIYAN, AYAW NG MAJORITY PINOYS NA MA-CONVICT SI VP SARA — Sa isinapublikong survey ng SWS ay mas kinabiliban ng publiko sa impeachment trial ang performance ng Defense Team ni Vice President Sara Duterte kasi nakakuha ito ng rating na 47% kumpara sa 30% na rating ng prosecution panel.
Isa lang ibig sabihin niyan kaya mataas ang rating na nakuha ng defense team, ito ay ayaw daw ng majority Pinoys na ma-convict si VP Sara sa kaso niyang impeachment, period!
XXX
PINASARINGAN NI SEN. LACSON ANG KADALDALAN NI SEC. JONVIC — Sa post ni Sen. Ping Lacson sa social media, may bahagi rito na ganito ang nakasaad..."Ssshhh, when pursuing high-profile target...secrecy discipline is the key."
Wala man pinangalanan, pero ang post na ito ni Sen. Lacson ay pasaring kay Sec. Jonvic Remulla ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasi ang DILG sec. lang naman ang madaldal, ina-announce sa publiko ang kinaroroonan ng most wanted na nagdudulot upang makatakas sa lugar ang target hulihin ng kapulisan.
Isang halimbawa ay 'yung isinapubliko ni Sec. Jonvic na alam na nila ang kinaroroonan ni Sen. Ronald Dela Rosa, may kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) at dahil in-announce ito ng DILG sec. kaya't malamang, wala na, umalis na sa tinukoy na lugar ang puganteng senador, boom!
XXX
HINDI ISASAKRIPISYO NINA COMMANDER BRAVO AT MISUARI ANG BUHAY NG MGA MILF AT MNLF MEMBERS PARA LANG PROTEKTAHAN ANG KRISTIYANONG SENADOR — Magkasunod na itinanggi ng kampo nina Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF) Commander Bravo Macapaar at Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na nasa pangangalaga nila si Sen. Bato dela Rosa at ayon sa kanila, hindi nila ito puwedeng protektahan dahil hindi naman nila miyembro ang senador.
Sa totoo lang, hindi naman talaga isasakripisyo nina Commander Bravo at Misuari ang buhay ng mga MILF at MNLF members sa pakikidigma sa PNP at AFP para lang protektahan ang isang puganteng Kristiyano, period!





Comments