Nadamay, todo-sorry sa aktres… SUGAR, KINUMPIRMANG HINANAP NI MOND SI HEART SA PARTY, MGA GUESTS NAGTAWANAN DAHIL PAAALISIN PALA

ni Julie Bonifacio @Winner | November 3, 2026

Photo: IG _masugarmercado7 & _iamhearte
Dinepensahan ni Sugar Mercado ang sarili laban sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa pagtawa niya sa viral video kung saan ginawang katuwaan si Heart Evangelista sa Halloween party na inorganisa ni Raymond Gutierrez.
Kasama rin sa video ang iba pang female celebrities na dumalo sa naturang event.
Dinig sa video na hinahanap ni Mond kung sino ang gumaya kay Heart sa Temptation Island character niya kasama ang mga female celebs na inimbitahan sa party.
Dinig din ang pagtatawanan ng mga girls matapos may umako na siya si Heart, kasunod ang pagsabi raw ni Raymond ng linyang “Ay, you can leave this place.”
Paliwanag ni Sugar sa kanyang video na kumalat sa socmed (social media): “Kay Miss Heart, Madame, liliwanagin ko lang po ang issue kasi ginagawa nang trending and news ‘yung nangyari pong event ni Mr. Mond.
“First time ko lang din po s’ya nakilala ru’n at ang nag-invite po sa ‘kin, sa ‘min ay si Ms. Ruffa.
“So, ibig ko pong sabihin du’n, late na po kami dumating. Galing kami ng shoot na magkakaibigan. Late na po kami, pero para din po makita kami ni Ms. Ruffa dahil naka-opo kami, humabol po kami.
“Kaya totoo po ‘yun na nagsigawan kami kasi tinanong si Ms. Heart ni Mr. Mond kung nasaan. Nagsigawan po kami kasi akala namin, excited s’ya makita si Ms. Heart, ‘yun.
“Tapos, ‘di naman po namin alam ang issue, ‘di ko naman po inaano ‘yung grupo nila, ‘yung pagkakaibigan namin. Wala rin po kaming alam sa mga issue. Ang alam lang po namin ay magtrabaho at ang pagkakaibigan namin.
“‘Yung closeness namin nina Shuvee, Sky, Ashley and Roxy, ‘di po kami sumasali sa mga issue-issue.
“Pasensiya na po kayo ulit, Miss Heart. Ate Heart, I love you. We love you po. At lahat po kami naghiyawan kasi po natanong kami kung asan ka po ru’n sa grupo namin dahil ginaya po namin ‘yung movie ninyo ni Ate Marian.
“Gustung-gusto po namin ‘yung movie n’yo, kayong lahat kaya po namin ginaya ‘yung movie n’yo. ‘Yun lang po. Clarify ko lang po.
“Sana ‘yung mga nagpo-post ng video, kung gusto n’yo ng views, okay lang po ‘yun. Hanapbuhay n’yo po ‘yan, lahat naman po tayo gustong kumita. Pero sana, ayusin n’yo po and i-clarify n’yo rin po ‘yung mga post n’yo. Sa tama lang po.
“Sa lahat po na mali ang interpretasyon, ‘wag po tayo mang-judge. Dito po pumapasok ‘yung ‘Don’t judge a book by its cover.’”
Klaro na ba?
Winner ng You’re My Foreignoy na si JP…
UTOL NI ECHO NA SI JEREMIAH, HABANG NASA REHAB, MISIS, NAGDYOWA NG IBA
INAMIN ni Jhen Go ang pagkakaroon nila ng attachment ng kapatid ni Angilyn Gorens na si John Paul ‘JP’ Gorens.
Si Jhen Go ang misis ni Jeremiah Rosales, younger brother ni Jericho Rosales. Habang si JP ay winner sa You’re My Foreignoy contest sa isang noontime show noong 2019.
Si Angilyn naman ang ex-partner ng komedyanteng si Buboy Villar.
May isa pang kapatid sina JP at Angilyn, si Veybillyn, na naging client ni Jhen. Bumili ito ng bahay kay Jhen na malapit lang sa tirahan nila ni Jeremiah sa Antipolo.
Nasa iisang street ang tirahan nina Jhen at Jeremiah at ang nabiling bahay ni Veybillyn, kaya nagkakilala sina Jhen at JP hanggang sa naging malapit sa isa’t isa.
Naging escape raw ni Jhen si JP habang nasa loob ng rehabilitation center si Jeremiah. Dahil na rin sa mabait at magandang trato nito sa kanya, na-attach daw sila sa isa’t isa.
Pero tumigil daw ang communication nila nang lumabas na si Jeremiah sa rehab.
Noong huling nagkita raw ang dalawa, umiyak si JP dahil sa takot kay Jeremiah, since magkalapit lang ang kanilang mga bahay.
Ayaw man daw ni Jhen na malayo kay JP, wala siyang magagawa dahil kay Jeremiah.
Ang huling pagkikita raw nina Jhen at JP ay noong July 2025 sa condo ng talent manager na si Jojo Veloso.
Alam daw ng kuya ni Jeremiah na si Jericho Rosales ang tungkol kina Jhen at JP dahil si Jeremiah rin ang nagsumbong tungkol dito sa kapatid.
Sinabihan daw nito si Jeremiah na iwan si Jhen, pero hindi raw nito sinunod ang kanyang utol. Mahal na mahal daw kasi ni Jeremiah si Jhen.





Comments