top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Publiko, hindi mangmang para lokohin ng mga pulpol na opisyal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | May 13, 2026



Bistado ni Ka Ambo

Natutorete ang publiko sa mga surpresang pangyayari.

Iyan na po ang “bagong normal”.


----$$$--


Simpleng propaganda at kontra-propaganda po ang mga sitwasyon na inyong nasasaksihan.

Huwag kayong bibigay o magseryoso.

Inuunggoy lang po kayo ng magkakabilang panig.


-----$$$--


Walang totoo sa mga balita.

Kung hindi pulitika, “datung-datung” lang ‘yan.


----$$$--


Ang isyu sa insertion, diversion at allocation sa budget ay malinaw na  dalawang bagay lang.

Pagkagahaman sa “poder” at “salapi”.


-----$$$--


Ang mga opinyon, komento at argumento ay malinaw na peke at hindi mga totoo.

Depensa kontra-opensiba sa personalidad ng magkabilang panig.

Nakakasulasok!


-----$$$--


Sa ayaw o sa gusto mo, buwelo ang lahat ng ito sa 2028 election—lokal man o nasyonal.

Ang mabigat, saktong dalawang taon mula ngayon ay eleksyon na.


----$$$--


Sa nasyonal o lokal man, kapos ang 24 buwan para sa maniobra.

Ang impeachment–balasa sa Senado at Kamara–o kahit balasa sa  ehekutibo ay “preview” ng 2028 election.


-----$$$--


Merito kuno, Konstitusyon kuno, ay  simpleng kinakaladkad sa isyu.

Inaaakala kasi nila na mangmang at bopol ang publiko—tulad ng pulpol na  mga buwaya.


----$$$--


Ikinalulungkot lang natin dito at nakapagtataka kung bakit napapagitna sa away  ng “2028 aspirant” si PBBM at kanyang pamilya.

Walang ulat na kakandidato pa sa alinmang posisyon si Marcos Jr o si Rep. Sandro—pero patuloy na ginagasgas  o “nagpapagasgas”ang apelyidong Marcos.


----$$$--


Payong kapatid lang, sa nalalabing 24 buwan, dapat ay ibinubuwelo na ang pagkilos, desisyon at behavior ni PBBM para sa kanyang “very graceful exit” sa public service.

Napakahalaga nito, lalo na’t may tsismis na mayroon  siyang malubhang sakit.


----$$$--


Imbes na gatungan o pag-ibayuhin ang galit ng kanyang mga kalaban sa pulitika, dapat niyang ikambiyo ang diskarte sa mas mahinahon at payapang  pakikipagkasundo.

Isang magandang oportunidad ang pakiusap ni Sen. Bato kay PBBM na “huwag siyang maingay” sa ICC.


----$$$--


Walang ibang tao na may wagas na kapangyarihan na pahupain o payapain ang “apoy ng gulo at galit” sa pulitikang  Pinoy kundi si Pangulong Marcos Jr lamang—wala nang iba pa!

Garantiyahan niya ang “pakiusap” ni Sen. Bato at biglang papayapa ang lahat.


----$$$--


Ganap na maunawaan sana ni PBBM kung saan sitwasyon ang kanyang  kinatatayuan.

Parang awa na niya sa taumbayan at sa kanyang sarili, manindindigan siya at huwag pakinggan ang mga “sipsip”sa kanyang paligid!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page