top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Proud na waldas na asawa, Annabelle… SARAH, IFINLEX ANG BAGONG KOTSE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | December 27, 2023



May bagong car si Sarah Lahbati, isa ring Mazda at kapalit yata sa nabangga niyang car.

Kulay green ang CX-5 Mazda car ni Sarah dati na ilang araw pa lang niyang ipine-flex sa Instagram, nabangga na. Yupi ang harapan ng kotse at mabuti, walang nasaktan sa mga sakay.

 

Kulay red naman ang bagong CX-5 Mazda car ni Sarah. "CX-5 turbo" ang caption niya nang i-flex ang bagong car. 

 

Nakakatuwa lang ang mga comments ng netizens, itaas daw ni Sarah ang bandera ng mga gastuserang asawa. May comment pang "Deserve natin ubusin pera ng asawa natin."

 

May nagsabi rin na “Materyosa nga talaga, 'di naman superstar, so magtataka ka nga sa'n kinukuha ang pambili, hahahaha!” 

 

May mga dumepensa kay Sarah na afford naman kahit ng regular employee na bumili ng Mazda.

 

Saka, alangan naman daw na maglakad lang siya papunta sa kanyang mga commitments.

 

Minsan talaga o madalas, affected ang mga netizens sa mga celebrities na nagkakaisyu, gaya kay Sarah na ang daming may alam sa nangyari sa kanila ni Richard Gutierrez.

 



Masayang ibinalita sa press people ni Bryan Dy, producer ng Mentorque Productions na gumawa ng Mallari, ang magandang feedback ng moviegoers ng pelikula ni Piolo Pascaul na entry sa MMFF 2023. 


Nakangiti nitong ikinuwento na nagdagdag ng screenings sa SM MOA at sa halip na 9 PM, 11 PM na ang last full show at natatapos ang movie nang past 12 AM.


Sa Newport, may screening ng 12:30 AM at matatapos ang pelikula ng 3:00 AM na.


Dagdag na fear factor din ‘yun, ang umuwi nang madaling-araw, tapos horror ang pinanood mo na marami ang nakakatakot at nakagugulat na eksena. 


‘Kalola dahil kahit kaming sanay manood ng horror movie, natakot pa rin sa Mallari at may eksena sina Piolo at JC Santos na pumipikit kami. Ayun, hindi namin napanood kung ano ang ginawang nakakatakot ng dalawang aktor.


Ibinalita rin ni Bryan na nadagdagan ang cinemas ng Mallari at mapapanood na ang pelikula sa more than 100 cinemas nationwide. Mas tumaas ang box office gross dahil sa word of mouth at dahil masipag mag-cinema tour si Piolo kasama si Bryan, si Direk Derick Cabrido at ibang cast ng biggest horror movie of the year.


May Mallari fever na ngang tinawag at ang fans ng movie ay tinatawag na “sisiw” and if you watch the movie, malalaman ninyo kung bakit. 


‘Yung eksena nina Piolo, Gloria Diaz at Janella Salvador na may sisiw ay isa sa mga nakakatakot na eksena ng pelikula.


Samantala, may mga ka-sisiw na nag-react sa kumalat na box office results ng mga entries sa MMFF kung saan may pelikula diumanong kumita ng P100 million sa first day pa lang. 


Parang mahirap daw paniwalaan ang lumabas na figures kaya wait na lang sa official result.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page