Search
  • BULGAR

Proud na proud na payat na… SHARON, IDINISPLEY ANG BOOBS SA MOVIE

ni Nitz Miralles - @Bida | March 31, 2021




Nagpasilip ng cleavage si Sharon Cuneta sa Viva Films movie na ReVirginized sa eksenang nasa beach sila ni Marco Gumabao at nagsasayaw. Ginulat ni Sharon ang mga netizens sa pasilip nang i-post sa Instagram ang ilang eksena ng movie.


Ang daming napa-"Wow!" dahil kitang ang laki talaga ng ipinayat ni Sharon.

Sa nag-comment na hot siya, ang sagot ni Sharon, “Oo nga, EXCITED magbihis at pictorial! Kaso ECQ na naman.”


Lalo pa palang na-excite ang mga fans ni Sharon na mapanood ang movie sa post ni Direk Darryl Yap na “Pinasikip. Pinakipot. Pinainit. Sharon Cuneta is #REVIRGINIZED.”

Sa May na ang streaming ng movie sa VivaMax.


Si Marco ang leading man ni Sharon at pansin ang closeness nila at “Pawi” pa nga ang tawagan.

May naiinggit kay Marco na nakatrabaho si Sharon at may naiinggit din kay Sharon na nakatrabaho si Marco lalo’t may topless scene ang aktor.


Sa nag-comment na mas slim na si Sharon kesa kay KC, ang sagot ni Mega, “No naman po” na mabuti’t hindi sinakyan ng mga bashers.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.