top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 11, 2021



Tama ang sinabi ni Megastar Sharon Cuneta na dapat lang bigyan ng chance na mapanood ang Revirginized (ang pagbabalik-Viva Films niya) ng mga nagdadalawang-isip dahil nga na-shock sa ginawa at pinagsasabi niya na unang nasilayan sa trailer.


At base sa mga nakapanood — at isa na kami sa mga nauna noong pagtungtong pa lang ng August 6 ay tinutukan na namin ito sa Vivamax — tama lang na maging proud si Sharon, lalo na sa character ni Carmela na mahusay niyang nagampanan, dahil tinanggap niya ang kakaiba at matapang na pelikulang isinulat at idinirek ni Darryl Yap.


Marami namang mga Sharonians ang natuwa at nag-enjoy sa kabuuan ng movie at ‘di makakalimutan ang mga eksenang ‘di nila akalaing magagawa ni Sharon, dahil marami ka talagang matututunan sa pinagdaanan ni Carmela. Masaya naman kami sa ending kahit na medyo bitin.


At tulad nga ng inaasahan, after ng ilang araw ng streaming, nag-number one na ito sa Top 10 movies ng Vivamax, na ikinatuwa ni Mega dahil marami ang nagkagusto at patuloy na sumusuporta.


At dahil nga maraming nabitin, lalo na sa eksena nina Carmela at Morph (Marco Gumabao), pupuwede nga na magkaroon ito ng part two.


Kaya naman sa FB post ni Sharon, na willing magkaroon ng sequel ang Revirginized, aniya, “Based on your comments on all social media platforms (thank you!!!), there is a clamor for a Part Two of REVIRGINIZED! You in, guys? Calling vincentiments official Direk Darryl Yap Vivamaxph, Viva Films!!! I’D LOVE TO DO A SEQUEL! Everyone, you might want to tell Direk and Vivamax yourselves!”


Dagdag pa niya, paghahandaaan talaga niya ito nang husto, “P.S.. ‘Pag natuloy ang part 2, kasingpayat na ako ni Angel Aquino!!! Napakaganda at sexy pa rin, ‘di nagbago!”


Inamin din ni Sharon na ilang ulit din niyang pinanood ang kanyang latest movie.


“Except for Maging Sino Ka Man, I don’t think I’ve ever watched one of my own movies this many times since it started showing! #revirginized @gumabaomarco @therealrosannaroces @direkdarrylyap @vincentimentsofficial @vivamaxph @viva_films.”


Kung gugustuhin talaga ni Direk Darryl, kayang-kaya niyang gawan ito ng part two, dahil marami pang pupuntahan ang kuwento nina Carmela at Morph.


Nabitin din kami sa iilang eksena nila ni Rosanna Roces, na puring-puri talaga ni Sharon, kaya dapat lang magkaroon uli sila ng pelikula.


Ganu’n din si Albert Martinez, na after 24 years ay muli niyang nakasama at third movie pa lang nila. Last movie nila ang Nang Iniwan Mo Ako.


Sa part two ng Revirginized, for sure, magiging kaabang-abang ang mga eksena nila, ganu’n din ang magiging confrontation nina Sharon at Cristina Gonzalez, dahil sa naging revelation sa pagtatapos ng pelikula.


Pero sa dami ng commitment ngayon ni Direk Darryl, mukhang matatagalan pa ito bago matupad ang kahilingan ng mga nabitin sa Revirginized.


Pero habang naghihintay tayo kung magkakatotoo ang kagustuhan ng marami sa sequel ng movie, marami rin ang nag-aabang kung this year ay matutuloy na ang ilang ulit nang naudlot na balik-tambalan nina Sharon at Gabby Concepcion.


Go na go na talaga ang Megastar at walang problema sa kanya na muling makatambal ang ex-husband, kaya ang tamang project at pagpayag na lang ni Gabby ang hinihintay, at matutuloy na ang kanilang pelikula.


Sa November ang anniversary ng Sharon-Gabby love team, kasabay ng 40th anniversary ng Viva Films. Ang ganda sana na ang balik-tambalan nila ay isa sa magiging anniversary presentation ng naturang film outfit na patuloy na umaariba ngayon on streaming sa kanilang Vivamax app.


Pero sa ngayon, mukhang malabong mapagbigyan ang kanilang fans, dahil three months na lang ang natitira bago nga mag-November.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 06, 2021



Inamin mismo ni Sharon Cuneta na nagpabawas siya ng boobs sa Amerika. Sinabi ito ng Megastar sa virtual mediacon ng movie nila ni Marco Gumabao, ang Revirginized, last Wednesday.


"I went to America, right? I gained a bit of weight, but something’s smaller. I had my chest reduced," sambit ng batikang singer-aktres.


Dagdag pa ng Megastar, magmula raw kasi nu'ng nagpa-breastfeed siya sa anak na si Miel, nagsimula nang magkaroon ng skin at fats ang kanyang dibdib though ang ilang parte naman ng kanyang katawan ay nananatiling natural. Kaya ang best na naisip daw niya ay magpabawas ng dibdib.


Samantala, matutuloy na raw ang tambalang Sharon at Gabby Concepcion na matagal nang hinihintay ng kanilang mga fans.


Sa Instagram ng @pikapikaph ay may naka-post na “Sharon Cuneta confirms reunion movie with Gabby Concepcion soon.


"Sabi ni Mega, alam na raw ni Sen. Kiko Pangilinan at ang sabi pa nga raw ay sana, matuloy na ito this time. Nabanggit ito sa Zoom conference ng #Revirginized na mag-i-stream na sa Aug. 6 on Vivamax.ktx.ph and other streaming platforms.”


Komento ng mga netizens sa pagsasamang muli ng hottest love team noong 1980's…

“Mega, mukhang si Gabby ang 'di pa ready or hindi na puwede at ayaw na niya. Charots!”

“Try natin ask si Gabby kung gusto n'ya rin, 'di ba po, Tita Shawee? Kasi parang by the looks of it, siya po ang may ayaw.”


“Gosh, 'wag naman sanang pumayag si Papa Gabby. Kung ayawan siya n'yan noon, ganu'n-ganu'n na lang. Du'n ka na sa mga bata po.”


“Susko, feelingera si Mader Shawie as if need siya ni ex... I think it's the other way around now.”


“Mukhang naghahabol talaga siya kay Gabby.”


“Naka-ilang parinig ka na Shawie. Eh, sa ayaw nga nu'ng other party, obvious naman.”


“Eto 'yung tipo ng tao na lumaki na nasusunod lahat ng gusto, kaya hindi matanggap sa sarili 'pag hindi puwede o ayaw. Irespeto mo si Gabby, Sharon. Please naman, magsi-60 ka na.”


“Another observation ko pa kay cannot move on mudra, walang ginawa kundi balikan, banggitin nang paulit-ulit ang mga ex niya na mga nananahimik na at never na nga siyang binabanggit! What's with her??? So unhappy na ba siya kay jowa or so desperate lang to come back?”


Concern naman ang isang netizen para sa mister ni Megastar na si Sen. Kiko Pangilinan.


“Tita Shawie, iba na lang ka-love team mo in respect to your hubby Sen. Kiko. Obvious naman na umiiwas na sa 'yo si Gabo, siguro in respect din niya sa hubby mo. Saka bakit pa love team movie pa, dami naman na role that will definitely sakto sa edad. Nagmumukha ka tuloy kaawa-awa at naghahabol pa rin kay Gabo. 'Wag na. Just sayin'."


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 06, 2021



Shocking naman talaga ang trailer ng comeback movie ni Megastar Sharon Cuneta sa Viva Films, ang Revirginized, na kahit siya ay nagulat din sa kanyang ginawa.


Kaya naman nagbabala si Sharon sa kanyang FB at IG post sa paglabas ng official trailer ng Revirginized noong Linggo nang gabi, July 4, na ‘wag itong panoorin ng mga bata dahil nga sa content nito.


Caption ni Mega, “(Important: BAWAL PO MANOOD ANG MGA BATA!) Hi, everyone! I just KNOW that my role of Carmela in this movie, and THIS TRAILER, and THE MOVIE as a whole, WILL SHOCK YOU.


“Please remember that it is just a movie, just another role that is VERY, VERY DIFFERENT from ALL THE OTHER ROLES you have seen me play. And this movie is the opposite of ALL the movies you have ever seen me in!”


Pakiusap pa niya lalo na sa kanyang mga fans, “Please broaden your mind, enjoy it, and I sincerely hope you watch it on Vivamax starting August 6! It’s gonna be a rollercoaster of a ride, because maninibago po kayong lahat sa akin dito.


"YOU HAVE NEVER SEEN OR HEARD DIALOGUE FROM ME LIKE YOU WILL IN THIS MOVIE.


"Please just have fun with it and do not forget that I have earned the right to try out new roles and take on new challenges after 43 years as a singer-actress. Thank you so much. I love you all and am proud of this movie.


“Don’t worry - I am still the same “Sharon” who will still be doing the kind of movies you have loved seeing me in! It’s just that once in a while, please allow me to be different - at least on the screen. I am, after all, an actor. And doing all kinds of roles is part of my job! Thanks so much!” sabi pa niya.


Dagdag pa niya, “And PREPARE YOURSELVES, PLEASE! Upo lang po at kapit sa upuan! Kung ako nga na-shock - pero in-enjoy ko naman po - sa pinagsasabi at pinaggagawa ko sa movie na ito, kayo pa kaya?! Love you all! God bless us all, always! @vincentimentsofficial @direkdarrylyap @therealrosannaroces @gumabaomarco.”


In fairness, ang ganda ng trailer na unang ipinost ni Direk Darryl Yap, kakaiba talaga sa mga nagawa ni Sharon na agad umani ng 1 million views in 3 hours at nag-trending talaga sa Twitter.


Isang araw bago inilabas ang trailer, nag-post naman si Direk Darryl na naka-address sa mga Sharonians na unang nag-react noon na ang iba'y nag-nega pa, tungkol sa ginawa niyang pelikula kasama ang nag-iisang Megastar na kanyang ipinagmamalaki.


“HINDI PARA SA MGA SHARONIANS,” panimula ng direktor.


“Sa mga pelikulang halos umabot na sa isang daan; ngayon n'yo lang mararanasan si Sharon Cuneta sa ganitong sandali.


“Hinila ko mula sa pedestal ang #Megastar at inilapit sa realidad ng mga kabataan ngayon, inilublob namin siya sa mga bagay na ngayon lang din n'ya naranasan hanggang maging si Carmela na siya at hindi si Sharon.”


Sabi pa niya patungkol sa pinag-usapang still photos ng movie, “Hindi ko ipinagmamalaking ako ang unang direktor na nagpaBodyShot sa kanya, Beer pong, Vape atbp.


“Ang ipinagmamalaki ko, ay ang tiwalang ipinagkaloob niya sa akin, na bihira na lang niyang binibitawan sa panahon ngayon.


“At ang tiwalang iyon ay nasulit nang ipapanood ko sa kanya ang trailer na hindi siya makapaniwalang nagawa niya.


“Ang pelikulang #REVIRGINZED ay hindi lamang para makapagbigay ng lakas sa kababaihan at magmulat sa mga nakatatanda at kabataan kung bakit noon “nag-iinuman kapag may kasiyahan” at ngayon, madalas — “nag-iinuman dahil malungkot.”


Pahayag pa ni Direk Darryl na labis-labis ang paghanga sa kahusayan ni Sharon, “Sa mga #Sharonians, ikinalulungkot ko, pero hindi para sa inyo ang pelikulang ito — DAHIL ALAM KONG KAHIT ANONG GAWIN NI SHARON ay mahal na mahal n'yo na s'ya.


“ANG PELIKULANG ITO AY PARA SA MGA HINDI PA SHARONIAN na ngayon pa lamang bibilib at maniniwala sa galing, husay at kalidad na tanging sa isang SHARON CUNETA lamang magmumula.


“At doon, mabubuo ang mga tagahanga ni Sharon, mula noon hanggang sa mga susunod na henerasyon.


“Huwag mong palalagpasin ang #REVIRGINIZED TRAILER - JULY 4 • 7pm.”


May paliwanag si Direk Darryl sa mga detalye ng maganda at pinag-isipang movie poster na gawa ni Luiz Clet.


Ayon sa ‘mega mind’ ng direktor:


“Ang transformation ng isang paru-paro


"Ang mabagal na pagmu-move-on ng pagong


"Ang nakakagising at nakakatangay na alon


"Ang araw na laging nangangako ng bagong pagkakataon.


“Ang opisyal na pampelikulang paskil ng isa sa mga pinakamahalagang sandali ng aking karera.



For sure, maraming mag-aabang sa August 6 sa Vivamax and hopefully, maging blockbuster din ito tulad ng mga naunang movies ni Direk Darryl na talaga namang tinangkilik ng manonood sa online streaming at nasa Top 5 hanggang ngayon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page