Proseso ng pagpiyansa sa kasong kriminal
- BULGAR

- Apr 17
- 2 min read
ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 17, 2026

Dear Chief Acosta,
Maaari ko po bang malaman kung saang hukuman maaaring magpiyansa? — Batching
Dear Batching,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Alituntunin Panghukuman, partikular sa Binagong mga Tuntunin ng Pamamaraang Pangkriminal, o Revised Rules of Criminal Procedure. Ayon sa Seksyon 17, Alituntunin 114 nito:
“Sec. 17. Bail, where filed. — (a) Bail in the amount fixed may be filed with the court where the case is pending, or in the absence or unavailability of the judge thereof, with any regional trial judge, metropolitan trial judge, municipal trial judge, or municipal circuit trial judge in the province, city, or municipality. If the accused is arrested in a province, city, or municipality other than where the case is pending, bail may also be filed with any regional trial court of said place, or if no judge thereof is available, with any metropolitan trial judge, municipal trial judge, or municipal circuit trial judge therein.(b) Where the grant of bail is a matter of discretion, or the accused seeks to be released on recognizance, the application may only be filed in the court where the case is pending, whether on preliminary investigation, trial, or appeal.(c) Any person in custody who is not yet charged in court may apply for bail with any court in the province, city, or municipality where he is held.”
Hinggil sa nabanggit, ang petisyon para sa piyansa ay maaaring ihain sa alinman sa mga sumusunod:
Sa hukuman kung saan nakabinbin ang kaso;
Sa kawalan ng hukom sa hukuman kung saan nakabinbin ang kaso, maaaring ihain ito sa ibang sangay ng parehong hukuman sa loob ng lalawigan, lungsod, o munisipalidad;
Kung ang akusado ay naaresto sa ibang lalawigan, lungsod, o munisipalidad maliban sa kung saan nakabinbin ang kaso, maaari ring maghain ng piyansa sa alinmang Regional Trial Court (RTC) ng naturang lugar;
Sa kawalan ng hukom sa hukuman doon, maaari itong ihain sa sinumang hukom ng Metropolitan Trial Court (MeTC), Municipal Trial Court (MTC), o Municipal Circuit Trial Court (MCTC)sa nasabing lugar;
Kung ang pagbibigay ng piyansa ay nakasalalay sa diskresyon, o kung ang akusado ay nagnanais na makalaya sa pamamagitan ng recognizance, ang aplikasyon ay maaari lamang ihain sa hukuman kung saan nakabinbin ang kaso, maging ito man ay nasa yugto ng preliminary investigation, paglilitis, o apela; at
Ang sinumang taong nasa kustodiya na hindi pa nasasampahan ng kaso sa hukuman ay maaaring mag-aplay ng piyansa sa alinmang hukuman sa lalawigan, lungsod, o munisipalidad kung nasaan siya naka-detain.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Comments