top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Propesyon ng agriculturist

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 10, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,

 

May kailangan po bang ipasa na pagsusulit bago maging rehistradong agriculturist sa ating bansa? Salamat po. – Patricia Gracey





Dear Patricia Gracey,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 13 ng Republic Act (R.A.) No. 12215, o kilala rin sa tawag na “Philippine Agriculturists Act,” kung saan nakasaad na:


“Section 13. Professional Licensure Examination. - Every applicant seeking to be registered as an agriculturist shall undergo a written professional licensure examination as provided in this Act. The Board shall conduct examinations for the practice of the agriculture profession in the Philippines at least once a year in such places and dates as the PRC may designate.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang bawat aplikante na nagnanais na magparehistro bilang isang agriculturist ay dapat sumailalim sa isang professional licensure examination. Ang Professional Regulatory Board (Board) ay magsasagawa ng mga pagsusulit para sa propesyon sa agrikultura sa Pilipinas, nang hindi bababa sa isang beses sa isang taon, sa mga lugar at petsa na maaaring italaga ng Professional Regulation Commission (PRC).


Dagdag dito, nakasaad sa Seksyon 14 ng nasabing batas ang mga sumusunod na paksa na sakop ng nasabing pagsusulit. Ito ay ang mga:


Section 14. Scope of Examination. - Applicants for registration as registered agriculturists shall be given a written examination. The scope shall include the six (6) foundation subjects as follows:


(a) Crop Science;

(b) Animal Science;

(c) Soil Science;

(d) Crop Protection;

(e) Agricultural Economics, Agribusiness, Agri-entrepreneurship; and

(f) Agricultural Extension and Communication.


The Board may re-cluster, rearrange, modify, add to, or exclude any preceding subjects as the need arises to conform technological and agricultural modernization.”


Ang nasabing batas ay sang-ayon sa polisiya ng gobyerno na kinikilala ang kahalagahan ng mga registered agriculturists sa pagbuo at pag-unlad ng bansa. Kaya naman, layunin nitong bumuo ng mga may kakayahan, etikal, makakasabay sa pandaigdigang kompetisyon, at mahusay na mga rehistradong agriculturists na susunod sa pinakamataas na pamantayan ng kahusayan. Dagdag dito, ang kanilang propesyonalismo ay pagyayamanin sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga malinaw, kapani-paniwala, at may katuturang pagsusulit sa lisensya, pagkakaroon ng isang sistema ng pagpaparehistro, at mga programa at aktibidad para sa patuloy na propesyonal na pag-unlad ng mga rehistradong agriculturists sa ating bansa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page