Project employee na tinanggal sa trabaho kahit ‘di pa tapos ang proyekto...

Dapat ibalik at bigyan ng backwages
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 19, 2020
Dear Chief Acosta,
Ano ang maaaring maigawad sa project employee sa construction site na ilegal na tinanggal sa trabaho? – Shawn
Dear Shawn,
Ayon sa 3.3 (b) ng Section 3 ng Department Order Number 19, Series of 1993, ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinamagatang Guidelines Governing the Employment of Workers in the Construction Industry:
“3.3. Project employees entitled to separation pay. –
a) xxx.
b.) If the project or the phase of the project the employee is working on has not yet been completed and there is no showing that his services are unsatisfactory, the project employee is entitled to reinstatement with backwages to his former position or substantially equivalent position. If the reinstatement is no longer possible, the employee is entitled to his salaries for the unexpired portion of the agreement.” (Binigyang-diin)Base sa nabanggit na panuntunan, kung mapatutunayanng ang project employee ay tinanggal sa trabaho nang hindi pa tapos ang proyekto o hindi naipakitang hindi kanais-nais ang kanyang trabaho ay dapat ibalik sa kanyang trabaho at dapat bigyan ng backwages. Kung sakaling hindi na posible na ibalik siya sa trabaho, kinakailangang ibigay sa kanya ang lahat ng kanyang suweldo base sa natirang pahanon ng proyekto.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments