top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Programa para sa nais maging guro na nagtapos ng basic education

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2024
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 3, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Isa sa mga adbokasiya ko ay ang pagtuturo upang makatulong sa mga kabataang Pilipino na makamit ang kanilang mga pangarap. Ganoon pa man, may mga pagkakataon na ninanais kong palawigin ang aking kaalaman sa pagtuturo ngunit wala akong sapat na kakayanang pinansyal upang makapag-aral muli. Mayroon bang mga programa na nakalaan para sa mga katulad ko na nagnanais na magkapag-aral pa ngunit walang sapat na kakayanang pinansyal? Nawa ito ay iyong mabigyan ng kasagutan, salamat sa inyo.


— Len-Len



Dear Len-Len,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 11 ng tinatawag na Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (R.A.) No. 11713, o mas kilala sa tawag na, “Excellence in Teacher Education Act”, kung saan nakasaad na:


“Section 11. Establishment of a Teacher Education Scholarship Program.


A Teacher Education Scholarship Program (TESP) shall be established under the Act, for deserving basic education graduates both from public and private schools, and tertiary level students to pursue undergraduate teacher education degree program, in all Teacher Education-COEs which shall be implemented by the UniFAST Board.


The financial assistance under the TESP shall include the following depending on the needs of the student grantee:


11.1 Free tuition and other school fees;

11.2 Allowance for prescribed books, supplies and learning materials;

11.3 Research support grant;

11.4 Clothing or uniform allowance;

11.5 Allowance for dormitory or boarding house accommodation;

11.6 Transportation allowance;

11.7 Thesis/dissertation/project allowance;

11.8 Research publication fee, if applicable;

11.9 Licensure examination review fees;

11.10 Licensure fees; and

11.11 Other education-related miscellaneous subsistence or living allowances.


The TESP and the eligibility criteria and conditions for the acceptance and disqualification thereto, in addition in the minimum requirements and conditions prescribed by the UniFAST Board, shall be determined and incorporated by the Council in its policy on an effective system of incentives. Grantees of other incentives under existing laws shall be prohibited from availing of the incentives under the TESP.”


Hindi kaila na isa sa mga importanteng aspeto upang maisakatuparan o makamit ang tagumpay ay ang pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon. Ang isa sa mga idineklarang polisiya ng R.A. No. 11713 ay ang pagbibigay proteksyon o promosyon ng karapatan ng lahat ng mamamayang Pilipino sa mataas na kalidad ng edukasyon, at pagsasagawa ng mga karampatang aksyon upang ang nasabing edukasyon ay maging bukas sa lahat. Dahil dito, binibigyang pagkilala ng ating gobyerno ang mahalagang papel ng mga guro para hubugin ang kaalaman ng mga estudyante.


Dahil dito, ang ating gobyerno ay nagsagawa ng isang batas na maaaring tumugon sa mga katulad mo na nagnanais na muling makapag-aral ngunit walang sapat na kakayanang pinansyal.  Ayon sa Seksyon 11 ng R.A. No. 11713, ang Teacher Education Scholarship Program (TESP) ay kinakailangang maitatag para sa mga karapat-dapat na indibidwal na nakapagtapos ng pang-pangunahing edukasyon o basic education mula sa pampubliko at pribadong paaralan.


Kabilang sa tulong pinansyal na nakasaad sa Seksyon 11 ng R. A. No. 11713, sa ilalim ng TESP, ang libreng matrikula at iba pang bayarin sa eskwelahan, pambayad sa mga libro at iba pang materyales sa pag-aaral, paggawad ng suporta sa pananaliksik, pambayad sa pananamit o uniporme, akomodasyon sa tirahan, transportasyon, pambayad sa licensure review at licensure fees, at iba pang gastusin na may kaugnayan sa edukasyon. Malinaw na ito ang naisip na tulong ng ating gobyerno para sa mga katulad mo na nagnanais na makapag-aral muli upang mapalawig ang kaalaman sa pagtuturo na maaaring ibahagi sa iyong mga estudyante.


Para sa karagadagang impormasyon ukol sa mga requirements at iba pang mga kinakailangan upang makapag-aral ng libre sa ilalim ng R.A. No. 11713, maaaring kang magsadya sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) Board na siyang naatasan na magpatupad ng TESP. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page