top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied

Popularidad ni Alex Eala, pang-instant senador

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | September 2, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Tumigil na ulan.

Pero ang batikusan hindi pa.


--$$$---

Sumasakay ang lahat sa popularidad ni Alex Eala.

Puwede na siyang maging instant senador.


--$$$---

Biglang nawala sa Eat Bulaga si Bimby Aquino.

Baka nakipag-Taguan-Pung.


---$$$---

Nasapawan ng baha ang Impeachment Court.

Nalunod ang mga isyu.


---$$$--

Mayroon palang nagaganap na “steel war” sa Pilipinas.

Hindi pala ito away ng Pilipinas versus China.

Bagkus ay maniobra lamang ng mga dambuhalang negosyante.


-----$$$--

Kumakampi raw kasi sa iisang panig ang ilang opisyal ng pamahalaan o awtoridad.

Dapat ay maging patas sila—sa “galawan” sa industriya.

Iyan mismo ang sagwil sa kaunlaran.

Lalayas at mandidiri sa Pilipinas ang mga  foreign investor kapag ganyan.


-----$$$--

Sinasabing may matinding banggaan ng dalawang grupo: ang Philippine Iron and Steel Institute (PISI); at ang Philippine Induction Smelting Industry Association (PISIA).

ANG “PISI” ay kasama ang dambuhalang SteelAsia.

Ang “PISIA” naman ay binubuo ng kontrobersiyal ngayong Davao Mighty Steel, Phil Sanjia, Chuangxing, Keim Hing, Lian Sheng, Melters Steel, Metrodragon, Phil. Koktai, South Luzon Steel, at Wan Chiong.


----$$$--

NOON pang 2018 pa nang hilingin ng PISI sa gobyerno na ipagbawal ang paggawa ng bakal gamit ang induction furnace.

Isang proseso ng pagtunaw ng lumang bakal gamit ang electromagnetic induction sa halip na ang nakasanayang electric arc.


----$$$--

PERO  noong panahong iyon, nagpasya ang Department of Trade and Industry (DTI) na huwag itong i-ban, basta sumusunod ang mga produkto sa tamang pamantayan o Philippine National Standards (PNS). 

Dahil dito, nagpatuloy nang legal ang operasyon ng mga plantang gumagamit ng nasabing sistema.


----$$$--

KINUKUWESTIYUN ngayon ang pagsawsaw ng DND na nagpapasalimuot sa sitwasyon.

Nasasapawan tuloy ang tunay na isyu –-ang “matinding kumpetensiyahan” sa industriya ng bakal.


----$$$--

SUMASALIMUOT dahil dinakip sa isinagawang raid ang 69 na banyagang manggagawa sa akusasyong may kinalaman sa ilegal na operasyon at iba pang paratang, at sapilitang ipinasara ang planta.

Pero inutos ng Department of Justice (DOJ) na palayain ang lahat ng mga naarestong empleyado dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.


----$$$--

KAHIT nakalaya na ang mga naaresto, nanatiling sarado ang operasyon ng Sanjia.

Nawalan ng trabaho ang mga obrero.


----$$$--

SA kabilang panig, ang kakumpitensiyang Keim Hing Steel sa parehong lalawigan ay ininspeksiyon lamang ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan at environmental officers.

At natuklasang sumusunod naman sila sa batas.

Ganun lang kasimple ang sitwasyon.


-----$$$--

DAPAT nang silipin ng Philippine Competition Commission (PCC) ang sitwasyon para malaman kung may nilabag na batas sa merkado.

Kung may lumalabag sa batas o nagbebenta ng substandard, parusahan nang patas anuman ang pangalan ng kumpanya.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page