top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Political families, kapit-tuko sa puwesto kasi dinedma lang ang utos ng SC at panawagan ng CBCP na magsabatas na ng Anti-Political Dynasty

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 28, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


WALANG DETALYENG P111.985B NA 'UNPROGRAMMED FUNDS' NG MALACAÑANG, DAPAT I-REJECT NG SENADO — Sa P7.2 trillion national budget para sa year 2027 ay may nakapaloob dito na P111.984 billion unprogrammed funds ng Malacañang.

Inaprub na ng House Committee on Appropriations ang halagang ito.


Mantakin n'yo, inaprub ng Kamara ang napakalaking halaga na 'yan nang walang malinaw na detalye kung saan gagastusin 'yan ng Malacañang.


Kung nakalusot 'yan sa Kamara nang wala ng tanung-tanong kung saan gagastusin 'yan, ay maging mabusisi sana rito ang Senado, kuwestyunin ang Malacañang kung saan ito (P111.984 billion unprogrammed funds) gagastusin, at kapag walang malinaw na sagot, dapat i-reject agad 'yan ng mga senador, period!


XXX


KAPAG NAGLABAS NG DESISYON ANG SC NA NAGPAPA-STOP SA IMPEACHMENT PROCEEDINGS AT DINEDMA ITO NG SENADO, MALAMANG MAGKA-CONSTITUTIONAL CRISIS SA ‘PINAS — Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na may power daw ang Senado na ituloy ang pagdinig ng impeachment court sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte kahit daw may mga nakasampang mga petisyon na sa Supreme Court (SC) na humihiling na ipa-stop ang impeachment trial dahil daw binaluktot ng majority senator-judges ang batas na nasa Konstitusyon nang ibaba nila ang voting threshold sa conviction ng Vice President.


Naku, huwag naman sanang mangyari na balewalain ng Senado kung sakaling ipag-utos ng SC na i-stop na ang impeachment proceedings kasi kapag binalewala ang kautusan ng Korte Suprema ay tiyak magdudulot ito ng Constitutional crisis, boom!


XXX


SANA HINDI LANG 'YUNG EXCISE TAX SA LPG AT KEROSENE ANG SINUSPINDE, SANA PATI EXCISE TAX SA DIESEL AT GASOLINA —Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, pansamantalang pinasuspinde ng Malacañang ang excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.


Aba teka, bakit 'yung excise tax lang sa LPG at kerosene ang sususpendihin ?

Sana nilahat na, pati sana 'yung excise tax sa diesel at gasoline ay suspendihin na rin para kahit paano ay bumaba ang mga presyo nito sa mga gasolinahan, period!


XXX


KAPIT-TUKO SA PUWESTO ANG MGA POLITICAL FAMILY KASI DINEDMA LANG ANG UTOS NG SC AT PANAWAGAN NG CBCP NA MAGSABATAS NA NG ANTI-POLITICAL DYNASTY — Matapos atasan ng SC ang Kamara at Senado na magsabatas na ng anti-political dynasty ng hanggang 4th degree mula sa political families, ay sinundan ito ng panawagan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na dapat daw ang ipasang batas ay may nakasaad na isa lang sa bawat pamilya ang papayagang kumandidato sa kada-halalang magaganap sa bansa.


Ang problema, kapit-tuko talaga sa puwesto ang mga magkakamag-anak na mga pulitiko kasi nga hanggang ngayon dinededma lang nila ang kautusan ng SC at panawagan ng CBCP, tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page