top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Korup at palpak sa barangay, extended na naman, saklap!

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | September 28, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Kokontrahin sa Korte Suprema ang pagpapaliban sa barangay election.

Inia-appoint kasi ng legislative body gamit si PBBM ang pag-upo ng barangay officials. 


----@@@---

Isang kutsabahan upang bigyang-biyaya ang mga incumbents, partikular ang mga korup at palpak na lider.

Ang corruption ay hindi lang tungkol sa pondo at cash, bagkus ay labag din sa Konstitusyon ang anumang anyo ng suhol tulad ng biyaya ng term extension. 


----@@@--

Hindi natin alam kung makikipagkutsaba rin ang ilang mahistrado sa mala-iskam na diskarteng ito.

Gusto ng mga proponent na magpapogi, purihin o makaagaw ng suporta sa 2028 election mula sa mga incumbent barangay officials. 


---@@@--

IISA lang ang katanggap-tanggap na argumento sa pagkansela sa November 2, 2026 election.

Ito ang kawalan o kakapusan ng "liquid cash" ng national treasury. 


---@@@--

DAPAT nating maunawaan na hindi kasingkahulugan ng budget ang availability ng cash.

Puwedeng may budget pero walang cash o kakapusin ng cash ang national treasury.

Kapag ganyan, puwedeng kanselahin ang eleksyon.

Kasi magiging red ang availability of cash ng national government. 


---@@@--

KUNG iniisip ng Malacañang at Kongreso na makakatipid, mali at dispalinghado ang ganyang pananaw. Baket?

Sapagkat pipigilin nito ang paglago ng domestic economy. 

Walang gagastos, pwes, diskaril ang galaw ng piso. 


---@@@--

ISANG sabotahe sa ekonomiya ang pagpigil sa government spending at private spending.

Ga-grabe ang krisis sa ekonomiya na ang promotor ay mismong gobyerno. 


--@@—

TALIWAS dito, kung itutuloy ang eleksyon sa Nobyembre, mas sisigla ang ekonomiya dahil hindi lang sa government election spending kundi maging sa gastusan sa 43,000 barangay sa buong bansa.

Masaya ang lahat, maliban sa mga corrupt na barangay at SK officials.

Tama o mali? 


---@@@---

DINAMBONG na ng mga loko ang bilyung-bilyong pisong pondo sa taunang national budget, pero ang sagradong suffrage ay dinekwat pa mula sa mga mamamayan.

Out of issue dito ang balat kayong flexing of term na isang malaking maskara para magoyo ang mga botante.

‘Yun lang po. 




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page