Political dynasty, hindi na dapat magpatuloy, bayan ang dapat gawing prayoridad!
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | February 21, 2026

284 KONGRESISTANG NAG-ABSUWELTO KAY PBBM SA IMPEACHMENT, MALAMANG SILA NAMAN ANG MAG-I-IMPEACH KAY VP SARA – Nang pagbotohan sa plenaryo ng House of Representatives noong Pebrero 11, 2026, sa mga impeachment cases laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM), 284 kongresista ang bumoto na ibasura ang mga reklamo dahil sa kakulangan ng ebidensya. Walo lamang ang bumotong pabor sa impeachment at apat ang nag-abstain.
Dahil dito, malamang na ang parehong 284 kongresista na nag-abswelto kay PBBM ang siyang boboto sa plenaryo kung isusulong ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio. Abangan!
XXX
MGA PULITIKONG HINDI NASINDAK SA 'SARA FOR PRESIDENT', LAGOT SILA KAPAG SI VP SARA ANG NANALO SA 2028 ELECTION – May ilang pulitiko na hindi nasindak sa pahayag ni VP Sara na kakandidato siya sa 2028 presidential election, dahil patuloy pa rin nilang inaatake ang bise presidente tungkol sa isyu ng confidential funds anomaly sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na kanyang pinamunuan noon.
Ngunit kapag nanalo si VP Sara sa 2028, siguradong may kahihinatnan ang mga pulitikong hindi naniwala o kumampi laban sa kanya. Boom!
XXX
KAPAG ANG ISINULONG NI CONG. SANDRO MARCOS NA FREE ELECTRICITY SA MGA MAHIHIRAP AY HINDI NATUPAD, TIYAK TALO SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION ANG 'MANOK' NI PBBM – Nagsulong si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos, anak ng Pangulo, ng panukalang batas na nagbibigay ng libreng kuryente sa mga pamilyang may mababang konsumo. Magandang balita ito para sa mga mahihirap. Kapag naging batas, maaaring magbigay ito ng kalamangan kay VP Sara bilang magiging kandidato ng administrasyong Marcos sa 2028 presidential election. Ngunit kung ito ay gagamitin lamang para sa “papogi points” at walang tunay na benepisyo, asahan na mahihirapan sa laban ang presidential candidate ng Marcos administration. Period!
XXX
DAPAT ISA LANG KADA ANGKAN ANG PAYAGANG KUMANDIDATO PARA ANG BUDGET AY MAPUNTA SA MAMAMAYAN, HINDI SA BULSA NG 'KAMAG-ANAK INC. – Patuloy ang mga public consultations ng mga lawmakers sa iba't ibang bahagi ng bansa tungkol sa mga panukalang batas laban sa political dynasty.
Karamihan sa mamamayan ay nagpahayag ng pagnanais na limitahan sa isa lamang ang kinakatawan ng bawat angkan, dahil maraming pamilya ang napakayaman habang ang kanilang constituents ay naghihirap. Marami sa pondo para sa mga programa at proyekto ng gobyerno ang napupunta sa bulsa ng mga corrupt na “Kamag-anak Inc.” Tsk!








Comments