PNP, bumantot na nga sa pag-aresto kay ex-P-Duterte, pinalala pa ni ‘Marcial’ sa protection racket
- BULGAR
- Mar 30
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 30, 2025

TRUST RATING NI VP SARA PATULOY SA PAGTAAS, TRUST RATING NAMAN NI PBBM PATULOY SA PAGLAGAPAK -- Sa isinapublikong latest survey ng Publicus Asia ay mula sa 23% trust rating last year (2024) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay bumagsak ito sa rating na 18% ngayong year 2025, at sa kabilang banda naman, sa trust rating ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na 31% ay tumaas naman ito sa 39%.
Ibig sabihin niyan, patuloy na mas pinagkakatiwalaan ng majority Pinoy si VP Sara kesa kay PBBM kasi nga ang rating ng bise presidente ay sige-sige ang pagtaas, samantalang rating ni PBBM ay patuloy ang paglagapak, boom!
XXX
ATAKE NI EX-P-DUTERTE SA BLANK BUDGET DOCUMENTS HINDI FAKE NEWS DAHIL HUMIRIT NA ANG 1SAMBAYANAN SA SC NA IDEKLARANG ILEGAL ANG 2025 GAA NA PINIRMAHAN NI PBBM -- Naghain ng petition for certiorari and prohibition ang civil society group na 1Sambayanan sa Korte Suprema na ideklarang labag sa batas ang mga blank budget document sa ilang probisyon sa 2025 General Appropriations Act (GAA) na nilagdaan ni PBBM.
Patunay iyan na hindi fake news ang ibinulgar noon ni ex-P-Duterte na mga blank budget document na nakalusot pirmahan ni PBBM, kasi nga kahit ang 1Sambayanan ay naniniwalang may mga labag sa batas na naipaloob sa 2025 national budget, period!
XXX
WALA NA YATANG FINANCIAL INSTITUTIONS SA MUNDO ANG GUSTONG MAGPAUTANG SA PILIPINAS, KAYA MARCOS ADMIN SA MGA LOCAL CREDITOR NA LANG NAGHAHANAP NG MAUUTANGAN -- Ayon sa Bureau of Treasury (BOT) ay nagpaplano raw ang Philippine gov’t. na mangutang ng P735 billion sa mga local creditor sa bansa.
Aba teka, tila wala ng mga financial institution sa iba’t ibang bansa ang nais magpautang sa Pilipinas kaya ang Marcos administration ay sa local creditors na sa ‘Pinas maghahanap ng mauutangan, buset!
XXX
PNP, BUMANTOT SA PAG-ARESTO KAY EX-P-DUTERTE, TAPOS PINABABANTOT DIN NI ‘MARCIAL’ SA KANYANG PROTECTION RACKET -- Hindi lang pala pangalan ng ilang opisyal ng PNP sa Camp Crame ang ginagamit ni “Marcial” sa pagbibigay proteksyon sa mga illegal logger sa lalawigan ng Rizal, kundi pati pala pangalan ni Rizal PNP Director Felipe Maraggun ay ginagasgas din nito sa protection racket niya sa ilegalistang nagngangalang “Aling Tessie” sa Taytay.
Pumapalo sa higit P350K ang kinikita ni “Marcial” weekly sa kanyang protection racket at dahil diyan ay nagkaroon daw ito ng ari-ariang resort sa Antipolo City.
Dapat aksyunan ng Camp Crame at Rizal PNP Office ang panggagamit sa kanila ni “Marcial” kasi sa totoo lang, bumantot na nga ang pangalan ng PNP dahil sa pag-aresto kay ex-P-Duterte kaya nakulong ang dating presidente sa International Criminal Court (ICC) jail, tapos may protektor pa ng mga ilegalistang nagdadagdag bantot sa kapulisan, boom!
Comments