Pingris, lalaro sa MPBL; dasal para kay Cabrera
- BULGAR
- Nov 26, 2021
- 2 min read
ni Gerard Arce / VA - @Sports | November 26, 2021

Pitong buwan maķaraang ianunsiyo ang kanyang pagreretiro, babalik sa aktibong paglalaro ang tinaguriang Pinoy Sakuragi ng PBA fans na si Jean Marc Pingris.
Ito ang ibinalita ni Nueva Ecija Rice Vanguards coach Charles Tiu sa panayam dito ng Tiebreaker Times. Ayon kay Tiu, pumirma ang dating Gilas Pilipinas standòut para sa Vanguards sa pagsabak nila sa Maharlika Pilipinas Basketball League Invitational Cup.
Nakatakdang magsimula ang MPBL sa darating na Disyembre 11, pitong buwan matapos ianunsiyo ni Pingris ang pagreretiro nya sa kompetisyon bilang miyembro ng Magnolia Hotshots sa PBA kung saan sya naging 9-time PBA champion at 2-time PBA Finals MVP.
Bilang national team member, si Pingris ay isa sa nakapaghatid ng silver medal finish para sa Gilas Pilipinas noong 2013 FIBA Asia Championship upang magkaroon ng tsansa ang 'Pinas sa World Cup sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1978.
Samantala, humiling ng taimtim na dasal ang management ng Terrafirma Dyip para sa mabilis na paggaling ni PBA 3X3 forward Roider Cabrera matapos itong mag-collapse nitong Miyerkules ng gabi pagkatapos ng laro sa PBA 3X3 qualifying match sa Ynares Sports Center sa Pasig City.
Biglang nawalan ng malay ang 30-anyos na 6-foot-4 forward sa team’s dugout matapos ang panalo kontra Brgy. Ginebra sa 19-17, kung saan siya pa ang naging dahilan ng pagkapanalo ng Terrafirma.
“We are requesting everyone to pray for the quick recovery of Roider. May his family stay strong under this trying condition,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial. “Nalulungkot ang PBA sa mga hindi inaasahang pangyayari. Subalit naniniwala tayo na muling makakapaglaro si Roider sa tulong ng inyong mga dalangin, Nagpapasalamat din po ang PBA sa mga emergency responders at sa lahat ng tumulong sa oras ng pangangailangan,” niya.
Umaasa naman ang Terrafirma management sa mabilis na paggaling ni Cabrera na inaasikaso na sa ospital, habang binibigyan nila ng respeto ang pamilya patungkol sa ilang mga detalye na nais munang isapribado.





Comments