Ping Lacson, tila mas kampi pa ngayon sa Kamara kaysa Senado
- BULGAR

- 23 minutes ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | May 26, 2026

Sabi ni Sen. Ping Lacson, nadadaig daw ngayon ng Kamara ng mga Representante ang Senado kung pag-uusapan ang kredibilidad at reputasyon.
Huh? Nasisira na ba ang kanyang loob at hindi man lamang niya ipinagtatanggol ang institusyon na bumuhay sa kanyang political career?
-----$$$--
May ulat na naglalaro sa kanyang isip na magbitiw na lamang bilang senador.
Nyek, siya ba ay may pusong mamon?
----$$$--
Teka, eh ano naman kaya ang kanyang sey sa kumakalat na ulat na inaakusahan bilang “master plunderer” si ex-Speaker Martin Romualdez?
Idedepensa ba niya si Romualdez sa alegasyon ni Assistant Ombudsman Mico Clavano?
----$$$--
Hindi vlogger o columnist ng multimedia si Clavano kaya’t hindi puwedeng ipagkibit-balikat ang ganitong alegasyon.
Hindi biro ang tawaging “master plunderer” ang isang dating House Speaker at isa sa pinakamakapangyarihang personalidad sa bansa.
----$$$--
Pero, tila marami rin ang hindi na nagulat.
Matagal na kasing isyu ‘yan—at sa totoo lang, maaaring nalipasan, o 'di kaya’y kumpirmasyon na pahayag ni Clavano.
----$$$--
Sa totoo lang, hindi na rin sikreto ang mga ulat tungkol sa umano’y lawak ng kayamanan ni Romualdez.
Iniuulat na may property sa Forbes Park, Massachusetts at Spain.
Sinasabing may mga helicopter, private plane at koneksyon sa corporations at business associates.
Aba’y kung totoo man ‘yan, hindi natin masisisi ang kanyang mga kritiko na pagdudahan kung saan nagmula ang mga kayamanang ito.
-----$$$--
ISANG malaking hamon kay Clavano na patunayan ang kanyang alegasyon laban kay Romualdez.
Humahanga tayo at sumasaludo sa tapang ni Clavano.
----$$$--
DIREKTA niyang sinabi ang matagal nang saloobin ng karamihan sa atin.
Hindi siya nagtago sa technicalities at walang ligoy-ligoy.
----$$$--
MABIGAT ang pressure sa Office of the Ombudsman.
Kredibilidad na ng ahensya ang nakataya rito.
-----$$$--
HINDI kaya mapasubo ang tanggapan ng Ombudsman ang sarili nitong mga pahayag?
Hindi kaya mabahag din ang kanilang buntot kapag nagsimula nang makaramdam ng impluwensya ng poder?
-----$$$--
SAKALING ang mga alegasyon laban kay Romualdez, mauuwi lamang sa ingay, press conference, at scripted narratives, lalo lang mawawalan ng tiwala ang taumbayan sa sistema.
Nakatuon ngayon ang lahat sa tibay, tapang at personalidad ni Clavano.
Abangan natin ang mga susunod na kabanata!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments