'Pinas, may krisis na sa langis, may krisis pa sa korupsiyon
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 5, 2026

DAPAT IMBESTIGAHAN DIN NG OMBUDSMAN SINA FORMER SENS. GRACE POE, NANCY BINAY AT SONNY ANGARA KASI IDINAWIT DIN SA FLOOD CONTROL SCANDAL – Sa affidavit ng flood control scandal, binanggit ng state witness at dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na bukod kina Sen. Jinggoy Estrada at noo’y Sen. Bong Revilla, kabilang din umano sa mga nagkaroon ng transaksyon sa mga proyekto ng flood control sa DPWH ang ilang dating senador na sina Grace Poe, Nancy Binay at Sonny Angara.
Kaya’t may tanong ang ilan: Bakit tila walang masiglang imbestigasyon mula sa Office of the Ombudsman sa mga nabanggit na personalidad, gayong kasama sila sa mga pinangalanan ng state witness?
Naniniwala ang ilan na dapat ding siyasatin ang kanilang posibleng partisipasyon sa naturang usapin. Kung mapatutunayang walang basehan ang mga paratang, mabuti ito para sa kanilang pangalan. Ngunit kung may sapat na ebidensya, nararapat lamang na magsampa ng kaukulang kaso.
Sa madaling salita, para saan pa ang pag-ako bilang state witness kung hindi susuriin ang lahat ng mga pangalang nabanggit sa affidavit kung may kaugnayan man sila sa umano’y flood control anomaly. Period!
XXX
MALACAÑANG ANG OPISINA NG MAGLOLONG BERSAMIN NA IDINAWIT SA FLOOD CONTROL SCANDAL KAYA DAPAT IMBESTIGAHAN SILA – Pinangalanan din ni dating Usec. Bernardo ang maglolo na sina dating Executive Secretary Lucas Bersamin at dating Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Usec. Adrian Bersamin na umano’y sangkot din sa flood control scandal.
Nanawagan si Bernardo kay Sen. Ping Lacson, chair ng Senate Blue Ribbon Committee, na muling buksan ang imbestigasyon sa naturang isyu at siyasatin ang umano’y pagkakasangkot ng maglolong Bersamin. Ayon sa kanya, dahil parehong may puwesto sa Malacañang ang mga ito, posibleng mas lumawak pa ang imbestigasyon at matukoy kung may iba pang opisyal na sangkot sa kontrobersyal na flood control projects scam. Boom!
XXX
SA ‘PINAS, MAY KRISIS NA SA LANGIS, MAY KRISIS PA SA KORUPSIYON – Habang papalapit ang botohan sa plenaryo ng House of Representatives (HoR) para maipasa sa Senado bilang impeachment court ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, umiinit din ang bangayan sa social media.
Ayon sa mga tagasuporta ng mga Duterte, dapat daw unahin ng mga kongresista ang mga isyung direktang nakaaapekto sa taumbayan tulad ng krisis sa langis, gayundin ang pagpapanagot sa mga sangkot sa flood control scandal, at hindi ang impeachment proceedings.
Bilang tugon, iginiit naman ng mga tagasuporta ng administrasyon na kahit may umiiral na oil crisis, dapat pa ring ituloy ang impeachment kung may batayan ng katiwalian. Dagdag pa nila, may mga kasong isinasampa na umano ng Ombudsman laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Totoong may krisis sa langis na nagpapahirap sa maraming sektor, ngunit hindi rin maikakaila na nananatili ang problema ng katiwalian sa bansa.
Sa huli, parehong mahalagang usapin ang krisis sa langis at ang isyu ng korupsiyon. Hindi dapat isa ang ipagsawalang-bahala habang tinutugunan ang isa, dahil kapwa ito may direktang epekto sa taumbayan. Period!
XXX
NATANIM SA ISIPAN NG TAUMBAYAN NA MARAMI TALAGANG PERA SI VP SARA KASI NASABI NI ATTY. POA NA HINDI RAW OVP ANG NAGBABAYAD SA 16 LAWYERS NG VP – Dahil hindi na napigilan ang mga panayam sa media, diretsahang tinanong ni veteran broadcast journalist Ted Failon si Atty. Michael Poa, isa sa mga abogado ni Vice President Sara Duterte, kung ang Office of the Vice President (OVP) ba ang nagbabayad sa 16 na lawyers ng bise presidente.
Mahalaga ang tanong dahil ipinagbabawal ng batas na gamitin ang pondo ng bayan para bayaran ang mga pribadong abogado. Tugon ni Atty. Poa, hindi raw mula sa OVP ang bayad sa mga ito.
Gayunman, naging mitsa ito ng usap-usapan sa publiko, kung saan may mga nagtanong kung paano napapanatili ang ganitong karaming legal counsel, at kung



Comments