top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

‘Pinas, lubog na sa krisis at wala nang nakikitang pag-asa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 27
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | May 27, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nilinaw ng Korte Suprema kung bakit hindi binigyan ng TRO si Sen. Bato kaugnay ng arrest warrant ng ICC.

Siyam ang kontra sa TRO pero lima ang pabor.

Meaning, hindi lahat ng mahistrado ay kontra o pabor sa TRO.


------$$$--

Maselan at masyadong teknikal ang mga opinyon.

Hindi ito basta-basta mauunawaan ng ordinaryong tao—d’yan nag-uugat ang debate.


-----$$$--

KAKASUHAN na rin ng plunder si Sen. Rodante Marcoleta.

Naghahalo na ang balat sa tinalupan!


-----$$$--

Tulad sa TRO, masalimuot din ang debate kung bakit kakasuhan si Marcoleta ng Ombudsman kaugnay ng campaign contributions na ibinigay ng kanyang mga kaibigan.

Nagugulo ang isyu dahil inabsuwelto ng Comelec si Marcoleta na naniniwalang “normal” lang na tumulong ang mga kaibigan—at normal din na tanggapin niya ang asiste ng mga kaibigan.


-----$$$---

Ibinunyag ni Sen. Imee ang pagtatangka ng ilang sektor na pigilan ang 2028 election.

Ano ang masama ru’n?


-----$$$--

Hina-hunting na si Sen. Bato kahit wala pang final decision ang Korte Suprema.

Panibagong ugat ng debate!


----$$$--

Itinalaga si ex-Sen. Francis Tolentino bilang bagong Labor secretary.

Puwede na siyang magsimulang “mangampanya”.


-----$$$---

Bumagsak na nang todo ang halaga ng piso kontra-dolyar.

As expected!


-----$$$--

Walang sinuman ang nagsasabi na makakarekober ang Pilipinas sa nararanasang krisis sa ekonomiya.

Lahat ay naniniwala na mas lalala pa ang sitwasyon.


----$$$--

Itinatatwa kasi ng ilang opisyal na “walang krisis” sa ekonomiya.

Pwes, paano ‘yan masosolusyunan?


------$$$--

Kapag sinabing “krisis,” hindi lang gobyerno ang dapat kumilos, bagkus maging ang pribadong sektor.

Pero, kapag itinatwa o pinagtatakpan ang krisis—imbes na masolusyunan, mas lalala pa ang sitwasyon!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page