Pinadalhan ng food nina Sen. Tito at Helen… MAINE, PINAGPIPIYESTAHANG BUNTIS NA
- BULGAR
- Mar 22, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | March 22, 2024

Sa IG ni Maine Mendoza, ipinost niya ang food na ibinigay ng mag-asawang Helen Gamboa at Tito Sotto.
Dahil du’n, pinasalamatan ni Maine ang mag-asawa sa thoughtful gesture ng mga ito.
“Tinapa rice for us, @arjoatayde! Thank you Tita Helen and Tito Sen. @pinaypole,” ani Maine.
Naku, bakit kaya pinadalhan ng food nina Tito Sen at Helen ang misis ni Arjo? I smell something fishy, huh!!!
Ito rin tuloy ang duda ng ibang netizens at pinag-uusapan sa socmed.
Nagkatotoo na nga ba ang sinasabi ng papa ni Arjo na magkaka-baby na sila?
Well, sana nga para makita na natin ang produkto ng ArMaine.





Comments