top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Piktyur ng dalawa, ipinost sa X… KATHRYN AT DANIEL, NAGPUNTA SA BUROL NI RONALDO

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | December 20, 2023



Nagpunta sa burol ni Ronaldo Valdez sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pero hindi sila sabay at wala ring photos na magkasama sila. 

 

Ipinost ni Ching Dee sa X (formerly Twitter) ang larawan ng dalawa at kahit walang larawan na magkasama ang KathNiel, masaya na rin ang KathNiel fans.

 

Sa sobrang tuwa nga ng KathNiel, pati ‘yung suot na black coat ni Kathryn sa isang photo, para raw suot ni Daniel. Kaya ang tanong ng mga fans ay kung isinuot o ipinasuot daw ba ni Daniel kay Kathryn ang coat niya? 

 

May ibang fans lang na sinaway ang nag-akalang ipinasuot ni Daniel kay Kathryn ang kanyang coat. Tigilan na raw ang pagiging delulo (read: nag-iilusyon).

 

Pero, naalala namin na sa event sa Philippine Arena, nakunan ng video si Daniel na lumapit kay Kathryn at ipinasuot ang kanyang coat. Siguradong nakita nitong giniginaw si Kathryn dahil malamig sa Phil. Arena.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page