top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Piktyur kumalat… HEART AT PIA, HALOS MAGKATABI NA SA FASHION EVENT, DEDMAHAN LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2024
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 6, 2024



                                                        

Inulan ng mga comments na “Awkward,” “Dedmahan,” “Nagkausap kaya sila?”


“Strangers,” at kung anu-ano pa ang na-post na picture nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach sa Fashion Pulis kung saan makikitang seatmates sila sa ginanap na Akris Fashion Show sa Paris.


Makikita sa larawan na may isang babaeng nakapagitna sa dalawa, at kung wala ang girl na ‘yun, magkatabi sana sina Heart at Pia.


Matagal nang hinihintay ng mga netizens na magkatabi sa mga dadaluhan nilang fashion shows sina Heart at Pia at nagkatotoo na nga ang nais ng mga netizens, kaso hindi masabi kung nag-usap ba sila dahil 'di 'yun ang makikita sa picture.


Isa pang wish ng mga netizens ang hindi pa natutupad — ang magkaroon sila ng picture na magkasama, ‘yung nag-pose talaga at naka-smile sila.


Dahil isa lang ang nasa pagitan nila, aware naman siguro sina Pia at Heart na halos magkatabi sila at pareho silang nasa front row ng fashion show. 


Gustong malaman ng mga netizens kung nagbatian ba ang dalawa at nagkatinginan.


Sayang at walang video ang ipinadala sa Fashion Pulis, mas maganda sana kung may kasamang video para nai-record ang mga kilos nina Heart at Pia.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page