top of page
Search
  • BULGAR

Phl team, hindi makapalag sa Asian Women's Volleyball

ni VA / MC - @Sports | October 04, 2021




Ibayong lakas ang ibinuga ng Supreme Chonburi upang hindi makaporma ang PHL team Rebisco na inulan ng errors, 25-11, 25-16, 25-16, sa 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship, Sabado ng gabi na idinaraos sa Terminal 21 Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.


Pinamunuan ni Team captain Pleumjit Thinkaow ng team Thailand sa 12 points, habang may ambag na tig-11 puntos sina Wipawee Srithong at Waranya Srilaoong.


Inulan naman ng errors ang Filipinas kaya nabigyan ng libreng 27 puntos na sunud-sunod na itinarak ng Supreme Chonburi. Nasayang naman ang matingkad na laro Dindin Santiago-Manabat na inilabas na mula sa 4 days quarantine para sa Rebisco pagdating sa 3rd set na kumamada ng 5 puntos pero hindi sapat.


Nabigo na naman ang Filipinas na dugtugan ang 5-1 start sa 3rd set nang umalagwa ang Supreme Chonburi sa 9-8 at hindi na nagpabaya pa. Nagdagdag pa ng 6 straight points mula sa 16-13 sina Srithong, Thinkaow, at Srilaoong para hatakin sa kalamangan ang 3rd set hanggang sa tumuntong ng 25-16.


Naunang tinalo ng Kazakhstan ang Rebisco sa bisa ng 3 straight sets. Habang isinusulat ito ay makakatapat ng Rebisco ang Tehran ng 7 p.m.


Samantala, tinalo rin ng Kazakh Zhetysu ang PHL Choco Mucho, 22-25, 19-25, 15-25. Nanguna sina Anastasiya Gurbanova, Svetlana Parukova at Valeriya Shatunova para palakasin ang Zhetysu at mailagay sa Pool A lead. Naunang yumuko ang Filipinas laban sa home team Nakhon Ratchasima noong Biyernes para sa ikalawang pagkatalo sa group play.


Ang Nakhon Ratchasima at Zhetsyu ay maghaharap para sa top spot sa Pool B. Haharapin naman ng Choco Mucho ang team no. 2 sa Pool B sa knockout quarterfinals.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page