PhilHealth, nagbabala sa publiko vs scammer
- BULGAR
- Jun 30
- 1 min read
ni Fely Ng @Bulgarific | June 30, 2025

Hello, Bulgarians! Pinapaalalahanan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang lahat kaugnay ng kumakalat na pekeng mensahe kung saan si Dr. Edwin M. Mercado, acting President and Chief Executive Officer (APCEO) ng PhilHealth, ay humihiling ng pagdedeposito ng pera dahil siya ay nasa isang mahalagang pulong kapalit ng pangakong ito ay ibabalik kaagad.
Ang mga sumusunod na detalye ang ginamit ng scammer:
GCASH Number: 0938-4354071
NAME: MIEEL BRIIN LIIN
VIBER NAME: PCEO MERCADO EDWIN M
VIBER Number: 0961-8296586
Mariing pinabubulaanan ng PhilHealth na ang nasabing mensahe ay mula kay Dr. Edwin M. Mercado, at ang mga mensaheng ito ay hindi totoo at mapanlinlang.
Kung makatatanggap ng ganitong mensahe, mangyaring huwag tumugon, huwag magpadala ng pera, at i-report agad sa PhilHealth o sa mga otoridad.
Maaaring makipag-ugnayan sa Corporate Action Center sa mga sumusunod na hotline numbers na bukas 24/7: Landline: (02) 8662-2588; Smart: 0998-857-2957 / 0968-865-4670; Globe: 0917-127-5987 / 0917-110-9812.
Maging mapagmatyag at magtulungan tayo upang mapigilan ang pagkalat ng mga scam na kagaya nito.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments