top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

PGMN content creator CJ Hirro, na-bash dahil sa umanoy “pasabog” pero lumang balita lang pala

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 3 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 12, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PRO-IMPEACHMENT CONG., WALANG TAKOT SA BANTA SA PANIWALA NILANG WALANG 'POWER' SA KANILANG MGA DISTRITO ANG PDP, MGA DDS AT SI VP SARA – Dinedma ng mayorya ng mga kongresista ang banta ng partidong PDP ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) at ng mga tagasuporta nito na ibabasura sa 2028 elections ang mga kongresistang sumuporta sa impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte.


Ayon sa obserbasyon, tila ang naging batayan ng mga pro-impeachment na mambabatas ay ang naging resulta ng 2025 midterm elections. Karamihan sa mga kongresistang bumoto para sa impeachment noong Pebrero 5, 2025 ay nanalo sa kanilang mga distrito. Samantala, marami sa mga kandidatong sinusuportahan ni Bise Presidente Sara sa pagkasenador ay natalo sa parehong halalan.


Dahil dito, lumalabas na hindi natinag ang mga mambabatas sa mga bantang hindi pagsuporta sa 2028 elections, sa paniniwalang hindi kayang dikta ng alinmang grupo kung sino ang mananalo o matatalo sa bawat distrito. Period!


XXX


TITO SEN, HUWAG PAKATIWALA NA WALANG KUDETA KASI BAKA MABULAGA SIYA, TALSIK NA SIYA BILANG SENATE PRESIDENT – Sinabi ni Sen. Robin Padilla na tsismis lamang ang napabalitang kudeta na umano’y layong patalsikin si Senate President Tito Sotto sa pamamagitan ng minority bloc, kaugnay ng usapin ng posibleng impeachment kay VP Sara Duterte kapag naihain na sa Senado ang Articles of Impeachment.


Gayunman, pinaaalalahanan ng ilang obserbador na maging maingat sa mga ganitong usapin sa loob ng Senado, dahil maaari pa rin itong magdulot ng tensyon sa hanay ng mga mambabatas, lalo na kung lumala ang isyu sa liderato ng mataas na kapulungan. Boom!


XXX


'SUNTOK SA BUWAN' NA DUMALO SI SEN. DELA ROSA SA SUBPOENA NG PNP-CIDG KASI BAKA MAY WARRANT OF ARREST NA AT IDERETSO NA SIYA SA ICC JAIL Pinadalhan ng subpoena ng PNP–Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Sen. Ronald Dela Rosa, na ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ay hindi naman ito warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), kundi bahagi lamang ng imbitasyon o pagtatanong ng mga otoridad kaugnay ng mga alegasyon ng extrajudicial killings (EJK) noong panahong hepe pa siya ng Davao City Police Office.


Sa totoo lang, malabong basta na lamang sumipot si Sen. Dela Rosa sa CIDG, lalo’t nananatiling sensitibo ang usapin at may mga usaping kinakaharap na maaaring lumala depende sa magiging takbo ng mga proseso. Para sa ilan, nagiging isyu rin ang posibleng mga susunod na hakbang ng mga internasyonal na institusyon, kaya’t maingat ang mga kilos at pahayag ng mga sangkot. Period!


XXX


PASABOG NG PGMN VS. CONG. ROMUALDEZ, BUKOD SA 'PANIS,' SUPOT PA PALA Matapos makatanggap ng matinding batikos si vlogger at political operator Franco Mabanta dahil sa umano’y isyu ng extortion, napagtuunan naman ng pansin sa social media ang ka-alyado nito sa Peanut Gallery Media Network (PGMN) na si CJ Hirro.


Pumalo sa kritisismo ang isang video na ipinost ni Hirro, na inakala ng ilang netizens na may “pasabog” laban kay Leyte 1st District Rep. at dating Speaker Martin Romualdez. Gayunman, ayon sa mga kritiko, wala namang bagong impormasyon sa naturang video dahil ang mga nilalaman nito ay dati nang naibalita sa mainstream media, at pinatungan lamang ng sariling opinyon at komento ng vlogger.


Dahil dito, umani ng batikos si Hirro mula sa mga netizens na nagsabing tila pinalalabas na bago ang lumang isyu, na nagresulta sa matinding diskusyon sa


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page