PCG, hinarang ng China Coast Guard sa paghuli sa pinaghihinalaang dynamite fisher

by BRT @News | October 5, 2026

Photo: PCG
Hinarang umano ng isang barko ng China Coast Guard ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) habang hinahabol nila ang isang banyagang bangkang pinaghihinalaang nagsasagawa ng dynamite fishing malapit sa Pag-asa Island.
Ayon sa PCG, umabot sa halos 10 yarda ang layo ng Chinese vessel sa kanilang bangka habang sinusundan nila ang pinaghihinalaang illegal fishing vessel.
Napilitan ang mga Pilipinong awtoridad na itigil ang paghabol at bumalik sa Pag-asa Island bandang alas-10:48 ng umaga para sa kaligtasan.
Samantala, sinabi rin ng AFP na dalawang Chinese aircraft ang ilang beses na lumapit sa isang Philippine military aircraft habang nagsasagawa ito ng routine patrol sa Bajo de Masinloc noong Oktubre 3.





Comments