Pramis na sa US lang kukuha ng supply, idinenay... Trump, sinopla ni BBM

ni Mylene Alfonso @News | November 23, 2026

Photo: Donald Trump at PBBM - PCO
Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag ni US President Donald Trump na sa Estados Unidos na lamang kukuha ang Pilipinas ng lahat ng inaangkat nitong produktong agrikultural at enerhiya.
“The way I put it is that if you are standing on one foot, sa isa ka lang umaasa, madaling magkaproblema. Kapag marami kang naaasahan, kahit magkaproblema ng isa, puwede ka pang tumakbo doon sa mga iba. And that's why the trade deal is important,” ani PBBM.
Ayon pa sa Pangulo, layunin ng kanilang napag-usapan na palawakin ang pinagkukunan ng suplay ng bansa at hindi ang pagdepende sa iisang bansa.
Binigyang-diin ng Pangulo na naghahanap ang pamahalaan ng mas murang mapagkukunan ng pagkain at enerhiya sa gitna ng mga tensiyon sa iba't ibang bahagi ng mundo.





Comments