Drug den, ni-raid, 5 timbog

by Jeff Tumbado @News | November 23, 2026

Photo: Hinihinalang drug den sa Brgy. San Roque, Talisay City, Cebu - PDEA 7
Arestado ang limang indibidwal matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang isang hinihinalang drug den sa Brgy. San Roque, Talisay City, Cebu, Sabado, Nobyembre 21.
Kinilala ang umano'y nagpapatakbo ng drug den na si “Alex,” 23, at kasabwat nitong si “Peter,” 32. Dinakip din ang tatlong hinihinalang parokyano na sina “Ged,” 27; “Al,” 41; at “Jay,” 19.
Isinagawa ang operasyon matapos ang isang linggong surveillance kasunod ng impormasyong natanggap mula sa isang impormante.
Nasamsam ang 11.9 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P80,920, isang revolver na may limang bala, at iba't ibang drug paraphernalia.





Comments