Babaeng Vietnamese, buking sa paggamit ng PH passport

by Mai Ancheta @News | November 23, 2026

Photo: Bureau of Immigration
Kalaboso ang isang 41-anyos na babaeng Vietnamese matapos mabuko sa paggamit ng Philippine passport habang palabas sana ng bansa sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Gamit ang pasaporte ng isang Mary Ann Altarejos Antolin, nagduda ang immigration officer dahil hindi makapagbigay ng impormasyon ang suspect ng kanyang pagiging Pilipino at hindi makapagsalita at makaintindi ng Tagalog.
Sa pamamagitan ng imbestigasyon, ang suspect ay nakilalang si Huýnh Thi Loan, isang vietnamese.
Agad na inaresto ang suspek at nagbabala si Immigration Commissioner Joel Anthony Viado laban sa mga gumagamit ng Philippine passport na aniya ay "Phantom Citizenship" scheme.
Nakadetine na sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang suspect para sa kanyang deportation proceedings.





Comments