PBBM, weak leader talaga, mas marami pang nagugutom ngayon kesa panahon ng pandemya
- BULGAR
- Mar 31
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 31, 2025

MAS MARAMI PANG NAGUGUTOM SA PANAHON NG MARCOS ADMIN KESA PANAHON NG PANDEMYA -- Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) ay pumalo sa 27.2 pamilyang Pinoy ang nakaranas ng gutom ngayong year 2025, mas marami ito kaysa 20.2 % sa mga pamilyang Pinoy na nakaranas ng gutom sa bansa sa panahon ng pandemya noong year 2020.
Diyan lang mapapatunayan na totoo ang sinabi noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na weak leader si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kasi mantakin n’yo mas marami pa ang nakakaranas ng gutom ngayon sa panahon ng Marcos administration kaysa sa panahon ng pandemic, boom!
XXX
DAPAT MAY MANAGOT SA HIGIT P1B HALAGA NG MGA GAMOT AT MEDICAL SUPPLIES NA NAG-EXPIRED -- Pamumunuan ni Sen. Joel Villanueva ang imbestigasyon sa ulat ng Commission on Audit (COA) na higit P1 billion na halaga ng mga gamot at medical supplies ang nasayang dahil nag-expired ang mga ito dahil sa tagal ng pagkakaimbak sa mga bodega ng Dept. of Health (DOH).
Dapat lang talagang imbestigahan dahil napakalaking pera ng bayan ang nasayang dito, at sana mapanagot at makasuhan ang mga DOH official na nagpabaya kaya nag-expired ang napakaraming gamot at medical supplies, period!
XXX
IKAKATALO NI WILLIE REVILLAME ANG PAGSAPI SA ‘ALYANSA’ NI PBBM -- Bukod kay former Sen. Kiko Pangilinan ay umugong din ang pangalan ni TV host-comedian Willie Revillame na kukumpleto sa 12 senatorial candidates ng Marcos admin matapos na kumalas si Sen. Imee Marcos sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Kapag pumayag si Revillame na sumapi sa “Alyansa” ay malamang talo ang abutin niya sa halalan kasi tiyak ibabasura ng milyun-milyong Duterte Diehard Supporters (DDS) ang kanyang kandidatura, boom!
XXX
KAPAG NAGING CONG. ULI ANG PASTOR NA SI BINGBONG CRISOLOGO, TAPOS NA ANG HAPPY DAYS NG MGA ILEGALISTA AT MANGRARAKET SA DISTRITO UNO NG QC -- Si former Quezon City 1st District Congressman Bingbong Crisologo ay isang pastor, at ayon sa kanya, kaya siya kumandidato uli ay para kapag siya raw ang nagwagi, pupukasin niya ang mga ilegalista at mga mangraraket sa 37 barangay na sakop ng Distrito Uno ng QC.
Naku, tiyak kakaba-kaba na ang mga ilegalista at mga nangraraket sa Distrito Uno ng QC dahil kapag si Bingbong Crisologo ay naging congressman uli, tapos na ang happy days nila, kasi kahit isa siyang pastor, matapang pa rin iyan, may “balls” na kapag sinabi, talagang gagawin, boom!
Comentários