PBBM, walang kasalanan sa flood control scam — Ping
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | February 9, 2026

Photo File: Bongbong Marcos - Office of the President
Wala umanong nakitang sapat na batayan ang Senate Blue Ribbon Committee para panagutin si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kaugnay ng mga alegasyong iregularidad sa flood control projects.
Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, si Pangulong Marcos lamang ang nag-aapruba at hindi siya ang nagpe-prepare ng General Appropriations Act.
“Wala kaming makita na may pananagutan ang Pangulo batay sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kasi ang presidente, nag-a-approve talaga ng GAA kapag napunta sa kanya. Hindi naman siya ang nag-prepare ng GAB,” wika ni Lacson sa isang panayam.
Binanggit din ng senador na mas nararapat umanong ipaubaya sa paghatol ng House Committee on Justice ang usapin ng pananagutan ni PBBM, na nauna nang nagbasura sa mga reklamong impeachment laban sa Punong Ehekutibo.
“It is better left to the appreciation of the House Committee on Justice kasi dinismiss na nila ang kaso. Ako, personally, wala akong alam sa nilalaman ng impeachment complaint,” diin ng senador.
Gayunman, sinabi ni Lacson na patuloy pa ring tatalakayin ng komite ang nararapat na hakbang, kabilang ang posibleng pananagutan ng sinuman, kaugnay ng isyu ng flood control projects.








Comments