PBBM vs. VP Sara: Loyalista at DDS, ‘di rin maaawat sa bangayan sa socmed

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 21, 2026

SIGAW NG MGA DDS, 'MARCOS RESIGN' AT SIGAW NG MGA LOYALISTA 'IMPEACH SARA' – Matapos manawagan si Vice President Sara Duterte kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-resign, agad na nag-post sa social media ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) ng "Marcos Resign," at nang sabihin ni PBBM na hindi siya magre-resign, nag-post din ang mga loyalista sa socmed ng "Impeach Sara."
'Dahil sa patuloy na bangayan ng Presidente at Bise Presidente, asahan na rin ang patuloy na bangayan sa social media ng mga loyalista at DDS, boom!
XXX
SABLAY ANG SINABI NI OMBUDSMAN REMULLA NA DAPAT MAY CIVIL SERVICE ELIGIBILITY ANG MGA KAKANDIDATONG BARANGAY CHAIRMAN – Sablay ang sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na dapat daw ay may civil service eligibility ang mga kumakandidato sa posisyong barangay chairman.
Kaya natin nasabing sablay kasi ang mga barangay chairman ay wala namang monthly salary na tinatanggap sa gobyerno, wala silang salary grade, asa lang sila sa honoraria base sa income ng kanilang mga barangay, tsk!
XXX
PANUKALA NI SEN. BONG GO NA 'MAGNA CARTA FOR BARANGAY ACTS' DAPAT GAWING PRIORITY BILL NI PBBM – Kung nais ni Ombudsman Remulla na dapat civil service eligibility ang mga barangay chairman, dapat hilingin niya kay PBBM na ipa-priority bill sa Senado at Kamara ang panukalang batas ni Sen. Bong Go na "Magna Carta for Barangay Acts 2025" na nagsasaad na gawing regular government employees, na may fixed na suweldo at allowance ang lahat ng mga naglilingkod sa mga barangay.
Sa totoo lang, napakaganda ng panukalang ito ni Sen. Bong Go kasi ang mga barangay officials ang frontline ng national government sa pagresponde at pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan sa mga barangay, ang problem dinededma lang ito ng Malacañang, period!
XXX
KAPAG DAW ANG NAG-IISANG PAMILYANG DUMADALO PA SA KORTE AY NABAYARAN NI ATONG ANG, LUSOT NA SIYA SA KASO, BALIK NA RAW SIYA SA RAKET NIYANG ONLINE SABONG – Isa na lang sa pamilya ng mga missing sabungeros ang dumadalo sa korte kaugnay sa kasong multiple murder, kidnapping at illegal detention laban kay gambling tycoon Charlie "Atong" Ang.
Nabili na raw ni Atong Ang ang hustisya sa ibang pamilya ng missing sabungeros.
Sana 'yang natitirang isang pamilya ng biktima ni Atong Ang ay lumaban hanggang sa huli upang mabigyan ng katarungan ang pagpatay sa lahat ng mga missing sabungeros, kasi kapag nabili raw 'yan, lusot na ito sa kaso, at asahan daw na lantaran na naman itong babalik sa kanyang raket na online sabong, tsk!





Comments