top of page
BULGARY - MOIRA, UMAMING ALAM ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA SAM AT CATRIONA_IG _moiradelat

Bagsak na ang piso, sumisirit ang petrolyo, ang mga ungas, pamumulitika pa rin ang inaatupag

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | September 21, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Bagsakang piso kontra dolyar.

Lobo ang presyo ng petrolyo sa dagdag na P11 kada litro.

Ereng mga ungas, benggansa pulitika pa rin ang prayoridad.


----$$$--

Nag-aaway ang mga lider ng chess sa bansa.

Kumbaga, nagmamaniobra para makorner ang Hari.

Mahabang end game ito.


-----$$$--

KALIWA’T kanan ang katiwalian.

Pinakapatok ang Aduana.

Nagpropaganda si Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na mag-iimbestiga at sisibakin ang mga sangkot.

Pero bola-bola lang, hindi totoo?!


----$$$--

KASI naman ay nanatili pa rin sa puwesto at naglalagare pa rin ang customs officer na si alyas Lakidyoy.

Kahit may reklamo, bakit siya nakakadiskarte pa rin sa mga field operations?


----$$$--

SA isang ulat, kasama raw siya sa dalawang customs officer na isinasabit sa pag-raid sa mga epektos sa Sta. Maria, Bulacan.

Pero hindi naman siya sinibak o sinuspinde man lamang.


-----$$$--

Wala umanong “sacred cows,” pero malinaw na nambobola lang dahil hindi naman nareresolba ang kaso sa pagsalakay sa warehouse sa Bulacan.

Kahit si Sen. JV Ejercito ay kinalampag ang Aduana.

Ang reaksiyon? Propaganda lang.


----$$$--

KASAMA pa rin kasi si Special Agent Lakidyoy sa condemnation activities sa mga nakumpiskang sigarilyo, ukay-ukay, at iba pang mga bagay sa Porac, Pampanga. 

Hindi pa siguro nare-revoke ang kanyang Mission Order sa kabila ng kontrobersiya at kasong kinakaharap niya.


----$$$--

MAY nagtatanong sa Row 4, ano ang agimat ni Special Agent Lakidyoy, hindi siya natitinag.

Wala lang, nagtatanong lang po.


-----$$$--

MAY foresight pala si Impeachment Trial Presiding Officer Sen. Chiz Escudero.

Agad nag-ruling si Escudero na “16 votes” ang conviction threshold.

At sa pag-imbita sa apat na amicus curiae, iyan ang matibay na lumilitaw bagaman kontra sa naturang posisyon.


----$$$--

BAGAMAN, maaaring kuwestiyunin, agad siyang naglabas ng ruling at bahala na ang Korte Suprema ang maglinaw kung naaayon ito sa Konstitusyon.

Ipinaliwanag ni Sen. Chiz na ayaw niyang matapos ang buong impeachment trial, magbotohan ang mga senador, at saka pa lamang kukwestiyunin sa Supreme Court.


----$$$--

MAHALAGA umano ay napag-usapan agad at malinaw kung ano ang aktuwal na ipatutupad na threshold sakaling makarating sa Korte Suprema.

Sinang-ayunan ni retired Chief Justice Artemio Panganiban si Chiz, at sinabing mathematically correct na two-thirds ng 24 ay 16.


-----$$$--

Sa ngayon, ang 16-vote ruling ay nananatiling epektibo habang hindi ito nababago ng impeachment court.

Mas mabuting pagtalunan ngayon kaysa pagkatapos ng verdict. 


---$$$--

Dahil anuman ang maging desisyon, 16 man o ibang bilang, ang pinakamahalaga ay alam na ng lahat ang rules bago dumating ang araw ng hatol.

Iyan ang tutuldok sa usapin.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page