PBBM, delikado sa People Power kapag ipinilit ang term extension
- BULGAR

- May 15
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 15, 2026

LAGOT SI CONG. SANDRO MARCOS KAPAG NAGING RESOURCE PERSON NI SEN. MARCOLETA SI MANONG CHAVIT SA ISYUNG FLOOD CONTROL PROJECT – Kapag sinimulan na ni Sen. Rodante Marcoleta, incoming chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, ang imbestigasyon sa flood control projects, malamang na isa sa mga kuning resource person ay si former Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
Nauna nang nagprisinta si Singson kay Ping Lacson upang tumestigo at ibulgar ang umano’y flood control scam sa Ilocos Norte, ngunit hindi ito natuloy.
Kung sakaling maimbitahan siya bilang resource person sa komite ni Marcoleta, posibleng may mga pangalan na madamay sa imbestigasyon—kabilang na si Sandro Marcos. Lagot!
XXX
DAPAT GALINGAN NI ATTY. HAYNES ANG PAGTATANGGOL KAY FPRRD PARA HINDI SIYA MATULAD KAY ATTY. KAUFMAN NA NASIBAK – Si Atty. Peter Haynes na ang bagong abogado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) na magtatanggol sa kanya sa International Criminal Court (ICC).
Pinalitan niya ang dating abogado na si Atty. Nicholas Kaufman matapos umanong hindi maging epektibo ang mga naging argumento nito sa ICC.
Dahil dito, inaasahang pagbubutihin ni Atty. Haynes ang kanyang depensa para kay FPRRD, lalo na sa harap ng bigat ng kasong kinakaharap ng dating pangulo. Period!
XXX
BAKA MA-PEOPLE POWER SI PBBM KAPAG ISINULONG ANG CHA-CHA PARA SA KANYANG PAGPAPALAWIG NG TERMINO – Nagpahayag ng pangamba si Sara Duterte kaugnay sa posibilidad ng Charter Change (Cha-Cha) na maaaring magresulta sa pagpapalawig ng termino ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Kung maisusulong ang ganitong hakbang, may babala ang ilan na maaari itong magdulot ng matinding reaksyon mula sa publiko, na posibleng humantong sa panibagong kilos-protesta na kahalintulad ng People Power Revolution. Boom!
XXX
DAPAT IWASAN NA NI SEN. KIKO MANIGAW, BAKA TULUYAN SIYANG UMBAGIN NI SEN. PADILLA – Matapos sigawan ni Sen. Kiko Pangilinan si Sen. Robin Padilla, muntik na umano siyang maumbag ng actor-turned-senator.
Kaya naman, sa susunod ay iwasan na ni Sen. Kiko ang pagsigaw kay Sen. Robin. Kapag naulit pa ito, posibleng hindi na “muntik” ang balita—kundi tuluyan na siyang maumbag. Abangan!




Comments