top of page
LET’S SEE - SHARON, DAMAY SA AWAY NINA SEN. KIKO AT SEN. ROBIN-IG _reallysharoncuenta FB R

PBBM, dapat magpa-hair follicle drug test kung walang itinatago

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 21, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAPAT 'FORTHWITH' O AGAD-AGAD MAGPA-HAIR FOLLICLE DRUG TEST NA SI PBBM – Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court (SC) na ibasura ang petisyon ng grupo ni Davao del Norte 1st District Rep. at dating Speaker Pantaleon Alvarez na isailalim sa health examination at hair follicle drug test si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM). Ayon kay Solicitor General Darlene Berberabe, wala umanong legal na batayan para obligahin ang Pangulo na sumailalim sa ganitong mga pagsusuri, dahil may immunity ito habang nasa panunungkulan.


Samantala, iginiit naman ng kampo ni Alvarez na dapat pa ring magkaroon ng hair follicle drug test ang Pangulo, at isagawa ito sa harap ng publiko. Binanggit din nila ang naunang pahayag umano ni Sen. Imee Marcos hinggil sa alegasyon ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng Pangulo.


Ayon sa kanila, kung walang itinatago at walang dapat ikatakot sa resulta, dapat agad na sumailalim si PBBM sa hair follicle drug test. Period!


XXX


VP SARA, PALABAN NA HAHARAPIN ANG KAMARA SA IMPEACHMENT COURT – Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na natanggap na nila ang summons mula sa Senado na nag-uutos na magsumite ng komento si Vice President Sara Duterte kaugnay ng impeachment case na isinampa laban sa kanya sa Senate impeachment court.


Sa pagtanggap ng summons, inaasahang maghahain ang kampo ni VP Sara ng kanilang tugon sa mga alegasyong inihain ng House Justice Committee. Abangan!


XXX


MAY PUNTONG MAGALIT SI CONG. PULONG KASI SA DAMI NG MGA LUGAR SA ‘PINAS NA MAY FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM, DAVAO CITY LANG ANG PINAIIMBESTIGAHAN NI CONG. TINIO SA OMBUDSMAN – May punto si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte sa kanyang pagkontra sa hiling ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na imbestigahan ang flood control projects sa Davao City.


Ayon sa kanya, tila hindi makatwiran na Davao City lamang ang nais isailalim sa imbestigasyon ng Ombudsman, gayong maraming lugar sa bansa ang may mga isyung may kaugnayan sa flood control projects.


Para sa kampo ni Rep. Duterte, masyadong nakatuon ang naturang panawagan sa kanilang lungsod kumpara sa iba pang lugar na nakapagtala rin ng kahalintulad na proyekto at isyu. Boom!


XXX


SEN. RISA, SIBAK SA SENATE COMMITTEE ON HEALTH, KOMITENG ITO IBINALIK NA NI SP CAYETANO KAY SEN. BONG GO – Isa sa mainam na nangyari sa pagpapatalsik kay Tito Sotto bilang Senate President ay ang pagkakatanggal kay Risa Hontiveros bilang chairperson ng Senate Committee on Health.


Ibinalik ni Senate President Alan Cayetano kay Bong Go ang pamumuno sa naturang komite. Dahil dito, inaasahan na mas marami pa itong maipapasang mga panukalang batas na may kinalaman sa serbisyong pangkalusugan, lalo na para sa mga maralitang Pilipino. Period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page