top of page

PBBM at ilang gov't offc'ls, dawit sa male-maletang pera kaya malabong aksyunan ng ombudsman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | February 28, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PASARING NI USEC. CLAIRE CASTRO KAY VP SARA, 'DRAMA QUEEN' DAW – Pinasaringan ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. at Spokesperson Claire Castro si Vice President Sara Duterte, na tinawag niyang "drama queen."

Kung ang tinutukoy ni Usec. Castro ay ang pagiging emosyonal at pagluha ni VP Sara sa harap ng mga kawani ng Davao City Hall, at ang pahayag niyang kung mayor lang siya at hindi siya kumandidatong VP ay ano raw ba ang mangyayari, masasabing hindi nagdadrama ang bise presidente.


Sa totoo lang, masakit talaga kay VP Sara ang nangyari: ang tinulungan niyang maging presidente, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang ngayon ay naglalabas ng hakbang na magpapakulong sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na kasalukuyang binasahan ng confirmation of charges sa kasong crimes against humanity ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague. Period!


XXX


OMBUDSMAN, BAKA WALANG GAWING AKSYON SA MALE-MALETANG PERA NA DINALA NG MGA EX-SOLDIERS SA MGA POLITICIANS AT GOV'T. OFFC’LS– Isinampa na ni Atty. Levi Baligod, abogado ng 18 dating Marines at sundalo, sa Ombudsman ang kanilang mga sinumpaang salaysay tungkol sa mga pulitiko at opisyal ng gobyerno na umano’y tumanggap ng male-maletang pera mula sa kinolektang kickback ni dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co sa mga flood control projects.


Dahil naisasama sa listahan sina PBBM, ilang opisyal ng gobyerno, mga kaalyadong pulitiko, at pati si Ombudsman Boying Remulla, asahan nang malabo ang anumang aksyon mula sa Office of the Ombudsman. Boom!


XXX


AFTER PURIHIN NI PBBM SI GOV. FERNANDO, PINUTAKTE NA NI SEC. REMULLA NG FAKE NEWS ANG GOBERNADOR – Sa mass oath-taking ng mga newly promoted teachers at school heads na idinaos sa CSJDC Sports Complex sa San Jose del Monte City noong Pebrero 19, 2026, pinapurihan ni PBBM si Bulacan Gov. Daniel Fernando dahil sa mahusay nitong pamumuno sa lalawigan.


Hindi nagustuhan ng mga kalaban sa pulitika ng gobernador ang papuring ito, at makalipas lamang ang tatlong araw, noong Pebrero 22, 2026, kumalat sa social media ang umano’y Land Transportation Office (LTO) show cause order. Ayon sa viral post, pinapareport sa LTO main office ang mga driver ng convoy ng gobernador dahil sa umano’y road rage sa anak ni PBBM.


Agad nag-react si LTO chief Markus Lacanilao at itinuring itong pekeng dokumento. Ayon sa kanya, wala namang iniisyu ang LTO na ganoon at wala rin silang na-monitor na insidente sa NLEX na kinasangkutan si Gov. Fernando. Sa kabila nito, pinasok sa isyu ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ang gobernador, at tinawag niyang fake news ang dokumento. Tsk!


XXX


LAHAT NG ELEKSYONG NILAHUKAN NI GOV. FERNANDO NANALO SIYA, PATUNAY ITO NA FAKE NEWS ANG ATAKE NI SEC. REMULLA NA ABUSADO ANG GOBERNADOR – Masakit sa maraming Bulakenyo ang mga atake ni Sec. Remulla kay Gov. Fernando, lalo na nang sabihing abusado sa kalsada at parang feeling-hari ang gobernador.Sa katotohanan, sa tagal ng paglilingkod ni Gov. Fernando, wala siyang record ng pang-aabuso sa tungkulin o katiwalian. Patunay rito ang kanyang tagumpay sa bawat halalan mula pagiging Kabataang Barangay chairman hanggang sa tatlong termino bilang bokal, vice governor, at governor — palaging nanalo at hindi namimili ng boto.


Kaya kung si Sec. Remulla ang magiging manok ni PBBM sa 2028 presidential election, asahan niyang reresbak ang mga Bulakenyo at ibabasura sa Bulacan ang "Jonvic Remulla for president." Period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page