Pati pag-like sa IG post, inaabangan, Mavy… KYLINE AT KOBE, BANTAY-SARADO SA FANS
- BULGAR
- Jun 1, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | June 1, 2024

Nakabantay ngayon ang mga fans ni Kyline Alcantara kung magla-like ba sa kanyang mga Instagram posts ang nali-link sa kanyang si Kobe Paras na anak ni Benjie Paras.
Sa isang recent IG post ni Kyline, nag-comment ang ilang fans ng Kyline-Kobe tandem.
“Ang sexy ni Ate Kyline, ba’t ‘di nag-like ang Kobe!?”
Sagot ng isang commenter, “Naka-like po.”
Pero may isang netizen na iba ang bet para kay Kyline, “Mas gusto ko si Andres (Muhlach) for Kyline.”
“Sino ba namang ‘di magkakagusto sa kanya, ang sexy, tapos sobrang talented,” sabi pa ng isa.
Puring-puri rin ng iba pang netizens ang kaseksihan ni Kyline lalo nang magpakita ito ng abs.
“The abs killed me.”
“Ano ba ‘yan, napakaganda talaga.”
“Siyempre, alagang Kobe yarn.”
“Iba talaga ‘pag in love.”
“Kaya pala mas blooming.”
In love na nga ba si Kyline at ready nang pumasok sa panibagong relasyon kahit ilang buwan pa lang na nababalitang naghiwalay sila ni Mavy Legaspi?
Comentários