ni Beth Gelena @Bulgary | October 20, 2025

Photo: FB Anne Curtis
Nag-react ang TV host-aktres na si Anne Curtis sa espekulasyon ng mga netizens na siya ay buntis pagkatapos na mag-viral ang kanyang pagsasayaw after ng kanyang fashion journey. Nasa New York kasi siya para manood ng Victoria’s Secret Fashion Show (VSFS).
After that ay inaliw niya ang mga netizens sa pamamagitan ng sayaw kung saan siya ay nasa kalye na iba’t iba ang kasuotan sa bawat video clip.
Aniya sa kanyang post, “Danced my way around the city. Song on repeat this whole trip #VSfashionshow.”
Agad na nag-viral ang dance number ni Anne, kaya lang, may ilang nagkomento na tila preggy siya.
“Baby bump?” tanong ng mga netizens.
Idinaan ni Anne ang sagot sa kanyang signature humor, “More like pizza bump.”
May mga sumunod pang komento, “Baby is waving. Congratulations, Ate (Anne).”
Sagot ni Anne, “Lol (laugh out loud), tumaba lang, baby agad?”
Ayaw pa ring tantanan ang misis ni Erwan Heussaff.
May nagtanong “Buntis ba si Anne?”
Direktang sagot ng aktres, “Hindi. Busog lang, Beh.”
Ang mga witty replies ni Anne Curtis ay kinagiliwan ng mga fans. Inakala ngang may Baby No. 2 na sila ng mister niyang si Erwan Heussaff.
SASABAK na rin sa theater play na Bagets The Musical (BTM) ang dating child actor na nasa programang Team Yey! (TY) na si Sam Shoaf. Matatandaang sumali rin siya noon sa The Voice Kids (TVK) Season 2.
Twenty years old na ngayon si Shoaf na anak ng dating singer na si Arnee Hidalgo, ang kapatid ng singer-actor na si Jeffrey Hidalgo.
Ibinahagi niya ang kanyang role sa BTM bilang si Topee, na karakter ni JC Bonnin sa pelikulang Bagets noong 1984.
Sa isang panayam ay natanong siya kung ano’ng parte ng personality ni Topee na similar sila.
Ani Shoaf, “I watched the movie tapos nakita ko si Topee, mahilig po talaga s’ya sa mixed martial arts. So that’s I guess something na we have in common.”
Ayon pa sa young actor, ang laki raw ng difference from acting on screen to theatre.
Pahayag niya, “It’s a completely different universe sa theater compared to TV and all. Grabe po talaga ‘yung preparations na ginagawa namin from the workshops. We started doing workshops recently, ‘yung mga exercises po talaga is super different, like completely different blood talaga compared to TV. And everything is just so exaggerated, you have to be more open.
“Definitely it’s a good learning experience as a TV actor going into theater, it’s so super surreal, very exciting po talaga.”
Ang Bagets The Musical ay mapapanood mula January 23 hanggang March 2026 sa Newport Performing Arts Theater, directed by Maribel Legarda.
Sorry na lang sa mga fans…
JONA: ALDEN, ‘DI SASAYAW SA CONCERT DAHIL LIBRE LANG ANG TF
IBINULGAR ni Jona na hindi tinanggap ni Alden Richards ang alok niyang talent fee (TF) para sa kanyang nalalapit na concert.
Ayon sa singer, mismong ang aktor ang nagprisintang mag-guest nang libre at buong puso sa kanyang JONA: Journey to the Arena concert.
Dating magkasama sa isang istasyon sina Jona at Alden, pero kahit lumipat na ang singer sa kabila ay tuloy pa rin ang kanilang friendship.
Sa isang panayam kamakailan, ibinahagi ng mang-aawit na napaka-supportive ng aktor sa kanyang career. Sobrang nagpapasalamat ang singer sa gesture ni Alden.
Wika raw ng aktor, “I-guest mo ako d’yan, ha, ‘di ako puwedeng mawala d’yan, ha?”
Tuloy, walang masabi si Jona kundi purihin ang kabaitan ng kaibigan.
Napakabuti at tunay na maaasahan daw si Alden.
Umaasa rin siya na balang-araw ay makakapag-record sila ng kanta ng aktor.
Pinatunayan ni Alden na isa na ngayong aktor-direktor ang kanyang pagiging mapagkumbaba, sa kabila ng pagiging isa sa pinakamalaking bituin sa industriya ng entertainment.
Samantala, naitanong kay Jona kung sasayaw ba si Alden Richards sa kanyang concert. Sagot ng singer, “Baka hindi po muna kasi walang bayad, eh.”
Malay n’yo naman, mangyari ito. Hahaha!