top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

Patay sa nasunog na MV June Aster, 77 na

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | September 17, 2026



Aftermath sa MV June Aster - PCG

Photo: PCG



Nasawi nitong Martes ng hapon ang isang nakaligtas sa sunog sa passenger ferry na MV June Aster matapos magtamo ng malubhang paso.


Ang biktima, na isang crew member ng barko, ay ginagamot sa Culion Sanatorium and General Hospital nang pumanaw. Hindi naman inilabas ng mga awtoridad ang kanyang pagkakakilanlan.


Dahil sa kanyang pagkamatay, umakyat sa 77 ang bilang ng mga nasawi.

Patuloy naman ang pinalawak na search and rescue operation para sa 12 pasaherong nawawala, isang linggo matapos masunog ang barko sa karagatan ng Coron, Palawan.


Patuloy din ang imbestigasyon upang matukoy ang mga pangyayaring humantong sa nakamamatay na sunog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page