2 klasrum natupok

by BRT @News | November 2, 2026

Photo: Courtesy Nole Junn Mangao
Dalawang silid-aralan ang nasunog sa Jose M. Solis Elementary School sa Barangay Camandag, Looc, Romblon, Sabado ng hapon, Oktubre 31.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), tinatayang 90 metro kuwadrado ng paaralan ang naapektuhan ng sunog.
Alas-2:54 ng hapon nang matanggap ng mga bumbero ang ulat tungkol sa insidente. Dumating ang mga rumespondeng tauhan makalipas ang pitong minuto.
Idineklarang kontrolado ang apoy alas-3:10 ng hapon at tuluyang naapula pagsapit ng alas-3:18.
Kinumpirma ni Looc Mayor Lisette Arboleda na walang nasaktan sa insidente.
Patuloy namang iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng sunog.





Comments