top of page
Herlene Budol - IG.jpg

Naghitsurang gagamba, flower muntik mag-hello… PIKTYUR NI HERLENE NA NAKA-TWO-PIECE HABANG NAKALAMBITIN SA BINTANA, TRENDING

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 2, 2026



Naghitsurang gagamba, flower muntik mag-hello…
PIKTYUR NI HERLENE NA NAKA-TWO-PIECE HABANG NAKALAMBITIN SA BINTANA, TRENDING - Herlene Budol - IG

Photo: Herlene Budol - IG



Nakalambitin sa bintana ang isang photo post ni Herlene Budol sa Instagram (IG) na may caption na, “Spider nga!!! Hahaha! Thank you @mark-ccaceres_tinupad mo fantasy ko! Galing!”


Hindi lang nakalambitin sa bintana si Herlene, suot din nito ang Spiderman-inspired na skimpy two-piece bikini. Konti pang bukaka at may sisilip na hindi dapat. Kaya karamihan sa mga comments ay fire emojis, habang ang iba naman ay pinusuan ang post at wala nang masabi pa.





Si Max Collins, “Taray!” na lang ang nai-comment. 

Ang iba naman ay “Grabe!” ang nasabi. 


May nag-comment ng “Whew! Napaka-hot,” “Pasabog,” “‘Di ako nag-zoom! Promise,” “Wala ba banyo sa loob,” “Grabe, naka-bukas na. Bahala na pag-iisip n’yo,” at ang nakakatawang comment na, “Wow! Gagambang bahay. Ang laki at ang ganda, ang hahaba ng mga galamay.”


May mga nakakatawa pang comments na bagay kay Herlene dahil sexy comedienne ang image na ipino-portray niya. May curious namang nagtanong kung ano kaya ang masasabi ng AFAM boyfriend ni Herlene sa kanyang pasabog. Pero dahil AFAM, bukas ang isip nito sa mga ganitong pasabog ng GF.


Si Herlene pala ay napapanood sa The Master Cutter at isa siya sa mga nagbibigay ng saya at tawa sa mga viewers ng action series dahil sa mga binibitiwan niyang punchline.





Kasabay ng pagtatapos ng Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical ang announcement na ang susunod na gagawing musical ay ang Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical, na mapapanood sa Newport Performing Arts Theater mula May 2027 hanggang July 2027. Si Ogie mismo ang nag-announce nito sa audience ng Bongga Ka ‘Day!


“We are officially inviting everyone to watch Kailangan Kita next year, May 2027. All glory to God,” sabi ni Ogie, na sinundan ng sunud-sunod na congratulatory remarks mula sa kanyang mga showbiz friends.


“Next year, gusto ko kayong imbitahan sa aking munting palabas. Lahat ng mga awiting aking isinulat sa loob ng 38 taon at inawit ko, gagawin namin sa bulwagan na ito. Excited akong ipaalam sa inyo na ako ang gaganap at ang gaganap na aking kabiyak ay si Regine Velasquez.


“Pitong taon naming pinag-ukulan at pinag-isipan kung paano namin ipalalabas ‘to. I hope you will come next year,” pag-iimbita ni Ogie.


Ramdam ang excitement ng mga tao at kagustuhang mapanood ang Kailangan Kita dahil nang ilabas ang impormasyon kung paano mag-sign up para sa ticket waitlist, marami agad ang nag-inquire. Kaya lang, wala pang binanggit kung magkano ang tiket.


Collab project uli ang musical ng The Philippine Star, Viva, Newport World Resorts at PETA Plus. Kasama na rin sa collab production ang company ni Ogie na A-Team. Wala pang nabanggit kung sino ang ibang cast na makakasama sa musical na ididirek nina Ian Seguerra at Johnnie Moran.





PASABOG ang costume ni Heart Evangelista sa ginanap na Shake, Rattle and Ball 2026. White gown ang suot nito at sa kanyang likod ay may five to six knives na nakatusok. Statement at shading daw iyon ni Heart para sa mga backstabbers na mahilig siyang itsismis.


May binanggit pa ngang mga pangalan ang mga fans ni Heart kung kanino raw babagay o kung sino ang tatamaan sa statement white gown na suot niya.


“Heart Evangelista with her statement Halloween dress! She said there are so many backstabbers,” “Heart Evangelista came as ‘Backstabbed’ for Halloween,” at “Heart Evangelista stole the spotlight with her ‘Backstabbed’ costume.”


May tumawag na ‘iconic’ sa costume ni Heart. May nagsabi pa ng “Halloween but make it couture,” at marami ang nag-comment na Heart nailed it. Naiparating daw nito ang gusto niyang sabihin sa mga nagtsitsismis sa kanya nang hindi siya nagsasalita.


Angel naman ang costume ni Alden Richards, opposite raw sa costume ni Heart, pero bumagay sa kanilang dalawa. Kaya lang, twice na palang nag-Angel costume si Alden sa Halloween. Sana raw sa susunod ay ibahin naman niya ang kanyang costume. Mas maganda kung ang naughty o dark side naman ang ipakita niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page