Jeep bumaligtad, 2 todas, 32 sugatan

by BRT @News | November 2, 2026

Photo: Bumaligtad ang isang jeep sa Tinambac, Camarines Sur - Circulated / Bikolanang Agta
Dalawang katao ang nasawi habang 32 iba pa ang nasugatan matapos bumaligtad ang isang jeep sa Tinambac, Camarines Sur, nitong Sabado, Oktubre 31.
Ayon sa mga awtoridad, biyaheng Naga City patungong Siruma, Camarines Sur ang jeep nang sumabog ang isa sa mga gulong nito.
Dahil dito, nawalan ng kontrol ang drayber at bumaliktad ang sasakyan sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. Binalay.
Nasa kustodiya na ng Tinambac Municipal Police Station ang drayber habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.





Comments